^

Bansa

Student Fare Discount nilagdaan ni Digong

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Student Fare Discount nilagdaan ni Digong
Sakop ng Republic Act 11314 o “Student Fare Discount Act” ang lahat ng uri ng transportasyon katulad jeep, bus, UV Express vans, taxi at TNVS kasama rin ang eroplano, barko, MRT, LRT at PNR.

MANILA, Philippines — Nilagdaan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang panukalang batas na magpapalawak at mag i-institutionalize sa ibinibigay na diskuwento sa pamasahe ng mga estudyante.

Sakop ng Republic Act 11314 o “Student Fare Discount Act” ang lahat ng uri ng transportasyon katulad jeep, bus, UV Express vans, taxi at TNVS  kasama rin ang eroplano, barko, MRT, LRT at PNR.

Ayon kay Senator Sonny Angara, awtor ng panukala, makikinabang sa bagong batas ang nasa 30 milyong estudyante.

Kailangan lamang na ipakita ng mga estudyante ang kanilang valid na school ID na magpapatunay na siya  ay naka-enroll.

Idinagdag ni Angara na ang diskuwento ay ibibigay sa buong taon kahit holidays.

Hindi naman kasama sa batas ang mga indibiduwal na naka-enroll sa mga dancing o driving schools, short-term courses  para mag seminar, at mga post-graduate studies katulad ng medicine, law, masters at doctorate degrees.

vuukle comment

RODRIGO DUTERTE

STUDENT FARE DISCOUNT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with