Ilan sa mahahalagang panukala nito na ngayon ay ganap na batas ay ang Rice Tariffication Act, Tax Amnesty Law, “Philippine Sports Training Center Act, “Universal Health Care Act at “Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) Act” na naging malaking tulong para sa mamamayan at bansa.
Romero, 101 agad ang panukalang batas
Joy Cantos (Pilipino Star Ngayon) - July 16, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Pagkatapos manguna sa nakalipas na 17th Congress sa pamamagitan ng pagsumite ng 500 panukulang batas at resolusyon --  kung saan 10 porsyento ng kabuuang bilang (250) ng mga nalagdaang batas ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ay inakdaan ni 1Pacman Party-list Rep. Mikee Romero – muli itong hinangaan nang magsumite ng 101 na panukalang batas sa unang linggo ng panimula ng Kongreso.

Ilan sa mahahalagang panukala nito na ngayon ay ganap na batas ay ang Rice Tariffication Act, Tax Amnesty Law, “Philippine Sports Training Center Act, “Universal Health Care Act at “Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) Act” na naging malaking tulong para sa mamamayan at bansa.

Si Romero ay isa rin sa tinuturing na pinakamasipag na mambabatas sa nakalipas na 17th Congress bukod pa sa isa sa pinakamaraming tulong ang nagawa sa buong bansa sa pamamagitan ng mga proyekto tulad ng “Iskolar Kami ni Cong. Mikee Romero” na kung saan 12,000 estudyante ang nabigyan ng tulong edukasyon, “Give a Heart” na nakapagpaopera ng mga batang may depekto sa puso sa Philippine Children’s Hospital at nakapagkaloob ng feeding program sa halos 20,000 na mga bata.

MIKEE ROMERO RODRIGO ROA DUTERTE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with