Sugatan sa lindol tumaas na sa 52
MANILA, Philippines — Pumalo na sa 52 katao ang nasugatan sa pagtama ng 5.5 magnitude ng lindol habang nasa 206 namang pamilya o kabuuang 826 katao ang naapektuhan sa siyam na Barangay sa Carrascal, Surigao del Sur, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council kahapon.
Inihayag ito ni NDRRMC Executive Director Ricardo Jalad base sa pinakahuling update na nakalap ng kanilang tanggapan.
Ayon kay Jalad , nasa 204 pamilya o katumbas na 816 katao ang naapektuhan ng lindol sa walong barangay sa bayan ng Camen at dalawang pamilya naman na binubuo ng sampung katao sa Lanuza, pawang sa Surigao del Sur.
- Latest