Ayon kay BI Port Operation Division Chief Grifton Medina, pitong lalake at anim na babae ang naharang noong Lunes sa NAIA Terminal 3 makaraang matuklasan ng mga tauhan ng Cathay Pacific na ang self-printed boarding pass ng mga ito ay wala sa manifest at hindi mga issued ticket ng airline.
Rudy Santos
13 Pinoy nahulihan ng fake boarding pass sa NAIA
Rudy Santos (Pilipino Star Ngayon) - July 15, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — May 13 pasaherong Pilipino na papuntang Hong Kong ang nasabat ng mga opisyal ng Bureau of Immigration sa Ninoy Aquino International Airport makaraang mahuling gumagamit ng mga pekeng boarding pass.

Ayon kay BI Port Operation Division Chief Grifton Medina, pitong lalake at anim na babae ang naharang noong Lunes sa NAIA Terminal 3 makaraang matuklasan ng mga tauhan ng Cathay Pacific na ang self-printed boarding pass ng mga ito ay wala sa manifest at hindi mga issued ticket ng airline.

“Parang biktima sila ng scammer na bumibiktima sa publiko sa pagbebenta ng pekeng tiket sa murang presyo para maengganyo ang biktima,” ani Medina.

Sa airport lang anya nalaman ng mga pasahero na naloko sila nang sabihan sila ng airline na ang kanilang boarding pass ay hindi naka-encoded sa kanilang system. Ayon sa mga pasahero, isa sa kanilang kasamang babae ang humimok sa kanila na bilhin ang plane ticket.

Pero ikinatwiran ng babae na hindi niya alam na peke ang mga boarding pass dahil ibinigay lang ito sa kanya ng isang Jennifer na tatlong beses pa lang niya nakita at sinabihan lang siya na ibigay ang mga tiket sa kanyang mga kasamahan.

FAKE BOARDING PASS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with