Ito ang iginiit ni Sen. Imee Marcos sa gobyerno sa gitna ng kontrobersiyal na resolusyon ng United Nations Human Rights Council (UNHRC) na naglalayong imbestigahan ang sitwasyon ng human rights sa Pilipinas dahil sa mga namatay sa kampanya ng gobyerno laban sa ilegal na droga.
Cezar Ramirez
‘Diplomatic ties sa Iceland putulin!’
Malou Escudero (Pilipino Star Ngayon) - July 14, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — “Putulin na ang diplomatic ties sa Iceland sa lalong madaling panahon.” 

Ito ang iginiit ni Sen. Imee Marcos sa gobyerno sa gitna ng kontrobersiyal na resolusyon ng United Nations Human Rights Council (UNHRC) na naglalayong imbestigahan ang sitwasyon ng human rights sa Pilipinas dahil sa mga namatay sa kampanya ng gobyerno laban sa ilegal na droga.

Naniniwala si Marcos na dapat magparating ng “strong statement” ang gobyerno upang hindi maliitin ng mga bansa na katulad ng Iceland.

Ipinunto rin ni Marcos na wala pang kalahati sa mga miyembro ng UNHRC ang bumoto ng pabor sa resolusyon.

“A strong statement is in order that the values and political agenda of other countries, many of them developed countries like Iceland, cannot be imposed on an independent country like the Philippines,” sabi ni Marcos.

Sa 47 miyembro ng UNHRC, 18 ang pumabor sa resolusyon, 14 ang kumontra at 15 ang nag-abstain.

Idinagdag ni Marcos na ang mga “state-sponsored abortion” sa mga mayayamang bansa ay nagpapakita ng kanilang hindi mabuting values at double standard na moralidad.

“They point a finger at the Philippines for alleged human rights violations, yet they justify the killing of defenseless, unborn children,” dagdag ni Marcos.

IMEE MARCOS UNITED NATIONS HUMAN RIGHTS COUNCIL
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with