"Gusto nila palabasin na ito ay state-sponsored. I will have my head cut off if this is state-sponsored (Ipapupugot ko ulo ko kung utos 'yan ng gobyerno)," dagdag niya.
The STAR/Mong Pintolo
Bato sa UNHRC: Pugutan niyo ako kung 'state-sponsored' ang mga EJK
James Relativo (Philstar.com) - July 12, 2019 - 1:45pm

MANILA, Philippines — Hinamon ni Sen. Ronald dela Rosa na magtungo sa Pilipinas ang mga kinatawan ng United Nations Human Rights Council upang patunayan kung totoong gobyerno ang nag-uutos ng kaliwa't kanang extrajudicial killings sa bansa.

Ito ang kanyang reaksyon sa pag-adopt ng UNHRC sa resolusyong nagmamandato ng "comprehensive international review" sa drug war ni Pangulong Rodrigo Duterte.

"You can come down and cut my head if this is state-sponsored (Pumunta kayo rito at pugutan ako kung inutos 'to ng pamahalaan). Tapos ang usapan, ganun lang," sabi ni Dela Rosa ngayong araw sa media briefing sa Camp Crame.

Bago maging senador, si Dela Rosa ang hepe ng Philippine National Police, na nanguna sa "Oplan Tokhang," "Oplan Double Barrel" at "Double Barrel Reloaded."

Ito ang mga mekanismong ginagamit ng PNP kaugnay ng crackdown ng gobyerno sa illegal narcotics.

"Gusto nila palabasin na ito ay state-sponsored. No. I will have my head cut off if this is state-sponsored (Hindi. Ipapupugot ko ulo ko kung utos 'yan ng gobyerno)," dagdag niya.

Gayunpaman, inaamin naman daw niya na meron ding mga abusadong pulis at hindi naman daw nila ito kinukunsinti.

"Hindi kino-condone ng PNP 'yan. Kaya nga may mga nagkakaso na pulis, may nakakulong, may natanggal sa serbisyo," paliwanag niya.

"So kung state-sponsored ito, bakit pa kami mag-internal cleansing? Bakit pa namin huhulihin ang mga pulis na gumagawa nito kung ito ay state-sponsored?"

'Pagkaburyo' ni Bato sa human rights

Hindi naman nagustuhan ng grupong Bayan Muna ang tabas ng dila ni Bato kahapon.

Kaugnay ng EJK at karapatang pantao, ito kasi ang sinabi ni Dela Rosa: "Human rights? Nabuburyo na ako diyan. Wala na akong gana makinig diyan," sabi ng bagitong senador sa reporters Huwebes.

"Kayo, pabalik-balik kayo diyan. Pabayaan niyo na ‘yan. Nabuburyo na ako, ‘yung mga ganyang issue."

Sabi ni Bayan Muna Rep. Eufemia Cullamat, talagang mabuburyo raw si Bato rito lalo nat' "sangkot ang PNP na pinamunuan niya... lalo na sa Oplan Tokhang at Double Barrel."

Giit ni Cullamat, marami nang inosenteng tao ang nadamay sa kampanya, kabilang ang mga menor de edad. 

Ika-8 ng Hulyo nang mapa-"shit happens" si Dela Rosa kaugnay ng 3-anyos na batang nadamay sa isang drug raid sa Rodriguez Rizal — bagay na ikinadismaya ng marami tulad ng Commission on Human Rights at Human Rights Watch.

"Tapos sasabihin pa niyang hypocrite ang mga tao na naniniwala na walang aksyon ang gobyerno para sa pangalagaan ang karapatang pantao?" dagdag ni Cullamat.

Ikinatuwa naman ng mga militante ang aksyon ng UNHRC, lalo na't panahon na raw upang mabigyan ng hustisiya ang mga nautas na buhay.

Sa tala ng Bayan Muna, umabot na raw sa 93 ang EJK kaugnay ng martial law sa Mindanao, maliban pa sa 1,366 enforced disappearances, 1,450 "illegal arrests," 35 na biktima ng torture at 28,813 na nakaranas ng "threats, harassments and intimidations."

EXTRAJUDICIAL KILLINGS RONALD DELA ROSA UNITED NATIONS HUMAN RIGHTS COUNCIL WAR ON DRUGS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with