Tinutukoy nila ang pagboto ng 18 sa 47 bansang miyembro ng konseho pabor sa resolusyong iniakda ng Iceland sa ika-41 sesyon ng UNHRC Huwebes.
File
Atake sa soberanya? Resolusyon ng UN vs drug war ikinagalit ng Palasyo
James Relativo (Philstar.com) - July 12, 2019 - 11:30am

MANILA, Philippines — Nanggalaiti ang Malacañang Biyernes sa desisyon ng United Nations Human Rights Council na pagtibayin ang resolusyong magtutulak ng isang "comprehensive international review" sa gera kontra droga ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Tinutukoy nila ang pagboto ng 18 sa 47 bansang miyembro ng konseho pabor sa resolusyong iniakda ng Iceland sa ika-41 sesyon ng UNHRC Huwebes.

"The Philippines is a sovereign state, undeserving of any intrusion by any country, under whatever disguised lofty principle it advances," sabi ni presidential spokesperson Salvador Panelo sa isang pahayag.

(May soberanya ang Pilipino, at hindi karapat-dapat sa panghihimasok ng anumang bansa, anumang prinsipyo ang itinataguyod nila.)

Kwinekwestyon ngayon nina Panelo pagkabalido ng resolusyon matapos hindi man lang makakuha ng 24 boto, na "simple majority" ng 47 bansa:  "The voting is not decisive in its favor (Hindi mapagpasya pabor dito ang mga boto)."

Nasa 14 ang bumoto laban sa resolusyon — kasama ang Tsina — habang 15 naman ang piniling hindi gumawa ng posisyon.

"This means that majority of the members are not really convinced of the resolution calling for the investigation of the so-called extra-judicial killings in our country," dagdag pa ng tagapagsalita ng presidente.

(Ang ibig sabihin nito, hindi kumbinsido ang kalakhan sa resolusyong nais mag-imbestiga sa diumano'y "extra-judicial killings sa bansa.)

Sa dalawang-pahinang resolusyon, nananawagan UNHRC na "gawin ang lahat ng hakbang upang mapigilan ang extrajudicial killings at pandurukot."

Tinawag namang makaisang panig, "lubhang makitid" at may "malisyosong" pagpanig" ang resolusyon.

"It reeks of nauseating politics completely devoid of respect for the sovereignty of our country, even as it is bereft of the gruesome realities of the drug menace in the country," wika pa ni Panelo.

(Umaalingasaw ang nakasusukang pulitika nito lalo na't wala itong pagrespeto sa soberanya ng ating bansa, kahit na wala silang nalalaman sa kasuklamsuklam na mga katotohanan ng droga sa bansa.)

Sa kabila ng paggigiit ng soberanya ng Palasyo laban sa imbestigasyon ng UN, humaharap ngayon sa matinding batikos si Duterte sa pagpayag sa Tsina na mangisda sa loob ng exclusive economic zone ng Pilipinas.

Huwebes ng gabi, sinabi naman ni Digong na kampante siyang hindi uusad ang comprehensive review ng UNHRC.

"Bahala sila... They will realize that yung kay De Lima, masadsad talaga kayo diyan. Maniwala sila doon," sabi niya patungkol sa mga akusasyon ni Sen. Leila de Lima patungkol sa estado ng karapatang tao sa bansa.

Nang tanungin kung papayagan niya ang mga kinatawan ng UNHRC na mag-imbestiga sa lagay ng Pilipinas, ito naman ang kanyang sinabi: "Let them state their purpose, and I will (Ipaliwanag muna nila anong pakay nila, at ako rin."

Nagbanta naman si Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. patungkol sa pag-angkop sa resolusyon.

"There will be consequences (Hindi maganda ang kahihinantnan nito)," ani Locsin.

Kwinestyon din ni Locsin kung bakit laging mga mahihirap na bansa ang binibira ng mga ganitong resolusyon.

"It was pushed with the arrogance that developing countries must not stand up to them even if we can and as we hereby do."

(Itinulak ito sa kayabangan nila na hindi dapat tumindig ang mga papaunlad pa lang na bansa laban sa kanila kahit na kaya namin at gagawin namin.)

CHR: Sumunod kung walang itinatago

Samantala, positibo naman ang pagsalubong dito ng Commission on Human Rights.

"The Commission on Human Rights (CHR) welcomes the UN Human Rights Council's resolution calling for a comprehensive probe on the human rights situation in the Philippines, especially in the face of the rising death count allegedly linked to the government’s own campaign against illegal drugs," sabi ng CHR sa isang pahayag ngayong araw.

(Ikinalulugod ng Commission on Human Rights ang resolusyon ng UNHRC na silipin ang lagay ng karapatang pantao sa Pilipinas, sa harap ng lumalaking bilang ng mga namamatay kaugnay ng madugong kampanya laban sa droga.)

Sa estima ng United Nations Human Rights Office of the High Commissioner nitong Marso 2019, nasa 27,000 na ang namamatay sa "war on drugs."

"Rather than maintaining acrimony & the hurling of threats of possible consequences, to show that it has nothing to hide & is willing to adhere to the global standards expected of a member of the UN Human Rights Council," dagdag ng CHR.

(Kaysa manuro at manakot tungkol sa mga posibleng "consequence," inaasahan ang Pilipinas na ipakitang wala siyang itinatago at sumunod sa mga pamantayang itinakda para sa mga miyembro ng UN Human Rights Council.)

Muli naman silang nanawagan sa gobyerno na pahintulutan ang masinsinan at transparent na imbestigasyon.

Sana rin daw ay makipagtulungan ang gobyerno sa CHR at iba pang grupo upang maipakita sa mundo na gumagana ang mga lokal na mekanismo nang masiguro ang pagbibigay ng katarungan.

"It must show both the international community and our own people that it is willing and able to hold perpetrators to account, to protect all human rights defenders, to stop the killings, & to end impunity," dagdag nila.

(Kinakailangan nilang mapatunayan sa pandaigdigang komunidad at sa sarili nilang mamamayan na bukas sila para mapanagot ang mga may sala, at maprotektahan ang mga human rights defenders, para itigil ang mga pagpaslang at kultura ng walang pakundangan.)

COMMISSION ON HUMAN RIGHTS EXTRAJUDICIAL KILLINGS RODRIGO DUTERTE SALVADOR PANELO UNITED NATIONS HUMAN RIGHTS COUNCIL WAR ON DRUGS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with