Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, ipapatawag ng Pangulo ang mga sangkot na Customs officials sa Malacañang.
64 BOC officials, employees sisibakin ni Digong
Rudy Andal (Pilipino Star Ngayon) - July 12, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nakatakdang sibakin ni Pangulong Duterte ang 64 opisyal at empleyado ng Bureau of Customs (BoC) at sampahan ng kasong kriminal at administratibo dahil sa corruption.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, ipapatawag ng Pangulo ang mga sangkot na Customs officials sa Malacañang.

Pero ngayon pa lamang, pinapapili na umano ng Pangulo ang mga ito na magbitiw sa puwesto o sampahan sila ng kaso.

Nilinaw naman ni Sec. Panelo na hindi kasama si Customs Commissioner Rey Leonardo Guerrero sa mga sisibakin ng Pangulo.

Tiniyak din ng Palasyo na tutuluyan ng Pangulo ang mga opisyal ng Customs na sangkot sa illegal drugs at rice smuggling.

Kasunod ito ng umano’y P1 billion Tapioca-Shabu cover-up controversy sa BOC.

Magugunitang ibinulgar ni dating Customs spokesperson Atty. Erastus Sandino Austria na ang anggulong entrapment operation na iginigiit ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) kaugnay sa P1 billion halaga ng shabu na nakumpiska sa isang warehouse sa Malabon City ay “fabricated” o gawa-gawa lamang.

Inihayag ni Atty. Austria na dati ring district collector sa Manila International Container Port (MICP), walang katotohanan ang claim ng PDEA na “controlled delivery” ang ginawa ng ahensya para lumutang ang mga sindikato ng droga kapag sumali sa public bidding.

Batay sa report, aabot sa 146 kilos ng shabu ang narekober sa Goldwin Commercial warehouse sa Malabon nitong Mayo na sang-ayon kay PDEA director general Aaron Aquino ay galing sa Gol­den Triangle syndicate.

BUREAU OF CUSTOMS OFFICIALS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with