Ayon kay Atty. Rogelio Casurao, vice chairman & executive officer ng National Police Commission, dapat maturuan ang mga pulis at kanilang maybahay sa tamang paghawak ng pera nang hindi mauwi sa reklamo ang sahod na naiuuwi sa kanilang mga pamilya.
Boy Santos
Reklamong sustento vs mga pulis dumami
Joy Cantos (Pilipino Star Ngayon) - July 10, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Dumami umano ang bilang ng mga pulis na inire­reklamo dahil sa ‘di sapat na pagbibigay ng sustento sa kanilang mga pamilya lalo na’t tinaasan na ang kanilang mga sahod.

Ayon kay Atty. Rogelio Casurao, vice chairman & executive officer ng National Police Commission, dapat maturuan ang mga pulis at kanilang maybahay sa tamang paghawak ng pera nang hindi mauwi sa reklamo ang sahod na naiuuwi sa kanilang mga pamilya.

May mga pamilya ang nanghihingi ng dagdag-sustento matapos itaas ng gobyerno ang sahod ng mga pulis.

Pero sabi ni Casurao magiging problema talaga kung hindi batid ng pulis kung ano ang baseline ng pangangailangan at kung ano ang sapat at ‘di sapat para sa kanyang pamilya.

Dahil dito, naniniwala siyang matutulungan ang mga pulis at pamilya nila kung maging bahagi ng kanilang training ang proper handling ng finances.

Ipinasasalang na rin ni PNP Chief General Oscar Albayalde ang mga pulis na may mga “number 2” sa reformation program o panibagong re-training.

“Yes kasama sila sa mag-undergo ng training. Yes, that’s why we want to strengthen the family here as an institution kasi source rin yan ng magiging attitude at corruption at problema ng isang pulis,” ani Albayalde.

NATIONAL POLICE COMMISSION ROGELIO CASURAO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with