Ayon kay Albayalde, inatasan na niya ang PNP-IAS na manguna sa imbestigasyon bukod pa sa isinasagawang imbestigasyon ng Regional Investigation Division ng CALABARZON (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, Quezon) Police.
Boy Santos
Probe ikinasa sa 3-anyos na ‘collateral’ sa drug war
Joy Cantos (Pilipino Star Ngayon) - July 10, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Pinaiimbestigahan na ni Philippine National Police (PNP) Chief General Oscar Albayalde sa PNP-Internal Affairs Service ang aksidenteng pagkamatay ng isang 3-anyos na batang babae na naging collateral damage sa drug operation sa Rodriguez, Rizal.

Ayon kay Albayalde, inatasan na niya ang PNP-IAS na manguna sa imbestigasyon bukod pa sa isinasagawang imbestigasyon ng Regional Investigation Division ng CALABARZON (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, Quezon) Police.

Sinabi ni Albayalde na ito’y upang mapabilis ang imbestigasyon sa kaso sa gitna na rin ng ngitngit ng publiko sa insidente. 

Ang PNP-IAS ay siyang nag-iimbestiga sa mga pulis na nakakagawa ng pagkakamali.

Noong Hunyo 29, tinamaan ng bala at namatay ang 3-anyos na si Myka Ulpina habang nakikipagbarilan ang ama niyang drug suspect na si Renato Ulpina sa mga pulis na humahabol dito.

Ang insidente ay nagbunsod sa kaliwa’t kanang pagbatikos sa drug war ng PNP kung saan kinondena ang mga kapalpakan sa pagsasagawa ng operasyon.

Pinaiimbestigahan din ng Makabayan bloc sa Kamara ang naturang insidente.

Inakusahan ng pulisya ang umano’y ama ng bata na nagpaputok ng baril at nanlaban ng tangkang aarestuhin. Subalit pinabulaanan ng ina ni Myka na ginamit na human shield ang kanyang anak ng asawa kundi pinasok ang kanilang bahay at dumaan sa bintana ang mga pulis at hindi man lang nagpakita ng warrant of arrest.

Giit ng Makabayan bloc, malinaw ang nakasaad sa saligang batas na dapat protektahan ang rights of life at mahigpit na ipinagbabawal ang paggamit ng anumang arms ng mga ahensiya ng gobyerno. (Gemma Amargo-Garcia)

OSCAR ALBAYALDE
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with