Smartmatic ipupuwera sa 2022 polls
Sa Senate Bill 221 ni Sen. Imee Marcos, nais nitong amiyendahan ang Republic Act 8436 kung saan tanging Smartmatic lang ang nabigyan ng pagkakataon na maging election service provider at nalilimitahan ang iba pa na mapili ng Commission on Elections.
Edd Gumban

Smartmatic ipupuwera sa 2022 polls

Malou Escudero (Pilipino Star Ngayon) - July 10, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Isinulong na sa Senado ang panukalang wakasan ang pamamayagpag ng Smartmatic tuwing halalan upang mabigyan ng pagkakataon ang iba pang election system provider sa 2022 national elections. 

Sa Senate Bill 221 ni Sen. Imee Marcos, nais nitong amiyendahan ang Republic Act 8436 kung saan tanging Smartmatic lang ang nabigyan ng pagkakataon na maging election service provider at nalilimitahan ang iba pa na mapili ng Commission on Elections.

Kumbinsido si Marcos na magkakaroon ng patas at malinis na eleksyon sa 2022 kapag nabigyan ng pagkakataon ang iba pang service providers.

Noon pang May 9, 2016 Elections lumakas ang panawagan na i-ban ang Smartmatic sa hinala na nagkaroon ng manipulasyon sa bilangan ng boto.

Sa isang talumpati ni Pangulong Duterte noong Mayo, sinabihan nito ang Comelec na dapat na itong maghanap ng kapalit ng Smartmatic.

SMARTMATIC
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with