Ayon kay Partylist Coalition President Mikee Romero, suportado nila ang endorsement ni Pangulong Duterte sa ngayon at wala ng kwestyon tungkol dito.
File Photo
Partylist coalition susuporta kay Cayetano
Gemma Amargo-Garcia (Pilipino Star Ngayon) - July 10, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Susuportahan na lang ng Partylist Coalition ang pag-endorso ni Pangulong Duterte kay Taguig City Rep. Alan Peter Cayetano bilang House Speaker ng 18th Congress.

Ayon kay Partylist Coalition President Mikee Romero, suportado nila ang endorsement ni Pangulong Duterte sa ngayon at wala ng kwestyon tungkol dito.

Sa kabila nito, inamin naman ni Romero na ma­laki ang impact ng pag-endorso ng Pangulo sa resulta ng magiging botohan sa pagbubukas ng sesyon sa July 22 subalit nanindigan sila na bloc vote  ang paiiralin sa pagboto ng Speaker.

Nang tanungin kung si Cayetano ang kani­lang iboboto, sagot ni Ro­mero “for the President’s choice kami” at nang muling ulitin ang tanong kung sino ang iboboto, ang sagot ng kongresista ay “yes for now:.

Nilinaw naman ng kongresisa na ang “for now” ay dahil maaari pa rin namang magbago ang isip ng Pangulo.

ALAN PETER CAYETANO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with