Pilipinong Madre malapit nang maging santo
Doris Franche (Pilipino Star Ngayon) - July 8, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Inihayag ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) na malapit nang ma­ging santo ang isang Pilipinong Madre matapos ideklarang venerable ni Pope Francis.

Nabatid na sinang-ayunan ni Pope Francis na ang naging buhay ni Mother Francisca Del Espiritu Santo De Fuentes, founder ng Dominican Sisters of St. Catherine of Siena, ay sumusunod sa Christian virtues.

Paliwanag ng CBCP, kailangan pang kilalanin ng Santo Papa ang himalang taglay ni Mother Francisca upang siya ay ma-beatified.

Si Mother Francisca ay namatay sa Maynila noong 1711 at inilibing sa the Church of the Collegio de San Juan de Letran. Ang kaniyang lapida ay nasa daanan sa main altar sa bahagi ng gospel.

Noong nakaraang buwan, pinagkalooban din ni Pope Francis ang isa pang madreng Pinoy, si Mother Maria Beatrice Rosario Arroyo, ng titulong venerable.

Si Mother Maria ay isinilang sa Iloilo at namatay noong Hunyo 1957.

PILIPINONG MADRE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with