Bullying sa mga bata sumaklaw sa internet
Pia Lee Brago (Pilipino Star Ngayon) - July 8, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Sa lumalaking presensiya ng social networking platform sa internet, ang cyber-bullying o online hurtful behavior ay nagpalawig sa saklaw ng bullying na nakakaapekto sa isa sa bawat 10 bata sa mundo.

Ito ang isiniwalat sa bagong report ng United Nations Educational, Scientific and Cultural Organization (UNESCO) na nagsaad na, sa buong mundo, isa sa tatlong bata ang nakakaranas ng bullying at ang kahalintulad na bilang ay apektado ng pisikal na karahasan.

Sinasabi sa 2019 UNESCO report na “Behind the Numbers: Ending School Violence and Bullying” na isa sa tatlong estudyante sa buong mundo (32%) ang nabibiktima ng bullying ng kapwa nila mga estudyante sa eskuwelahan minsan sa nagdaang buwan.

Pinuna sa report na lumalaking problema ang bullying at ang pisikal na bullying (pananakit sa katawan) ang mas malimit na klase ng bullying sa maraming rehiyon.

“Hindi katanggap-tanggap ang bullying at lumulubha ito sa internet,” sabi ni UNESCO Director-General Audrey Azoulay.

Binanggit sa report ng Global Kids Study na lumilitaw na ang percentage ng 9-17 year old internet user na nagsusumbong ng online hurtful behavior ay 35% sa Serbia, 29% sa Pilipinas at 20% sa South Africa, at 77% sa 13-17 year old sa Argentina.

Lumitaw din sa datos sa Pilipinas, Argentina, Brazil, Serbia at South Africa na sa pagitan ng 12% at 22% ng mga bata ay nakakatanggap ng mga mensahe na merong sexual content sa nagdaang taon.

Kabilang sa sinasabing cyberbullying ang mga instant message, posting, email at text messages na merong mga masasakit na salita laban sa isang estudyante o nagpoposte ng hindi magandang larawan ng biktima.

Ang mga batang lalaki ay mas malamang makaranas ng physical bullying habang ang mga batang babae ay psychological bullying.

Sinabi pa sa report na ang bullying ay mas dumami pa sa mga batang estudyante sa Myanmar, Pilipinas at United Arab Emirates.

 

BULLYING
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with