Digong may sisibaking mga opisyal ng Customs
“When I go back, I would be firing more from the Bureau of Customs. I’m just telegraphing. Maybe ilagay ko na sa Army yang di na ako maniwala not allowed to work, idiots. If my country is sinking, I cannot help my country?” ani Duterte sa inagurasyon ng Chen Yi Agventures Rice Processing Complex sa Alangalang, Leyte.
FIle
Digong may sisibaking mga opisyal ng Customs
Malou Escudero (Pilipino Star Ngayon) - July 7, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Marami pang opisyal ng Bureau of Customs ang nakatakdang sibakin ni Pangulong Duterte.

“When I go back, I would be firing more from the Bureau of Customs. I’m just telegraphing. Maybe ilagay ko na sa Army yang di na ako maniwala not allowed to work, idiots. If my country is sinking, I cannot help my country?”  ani Duterte sa inagurasyon ng Chen Yi Agventures Rice Processing Complex sa Alangalang, Leyte.

Sinabi ng Pangulo na patuloy niyang tinutupad ang kanyang pangako na wawakasan ang korapsiyon sa gobyerno.

Nauna na umano niyang sinibak ang presidente ng Government Service Insurance System.

“I did not make any grandeurs or ---sinabi ko lang ‘pag nanalo ako, I will deal with corruption ----I’m dealing it until now. I just fired the president of the GSIS yesterday. I will go for the Customs again,” sabi ng Pangulo.

Anya, marami pa ang madi-dismiss at pipilitin niyang mawala ang katiwalian sa gobyerno.

Ipinagmalaki rin ng Pangulo na nagawa niyang wakasan ang tanim-bala sa mga airports na inuna umano niya dahil direktang tinatamaan ang mga mamamayan.

Sa ngayon aniya ay isina-swipe na lamang ang pasaporte at hindi na kailangang buksan ang bag ng mga dumarating sa bansa.

“As a matter of fact, wala nang bukas-bukas ngayon sa bag eh. The new way is just to swipe your passport and that’s it,” pahayag ni Duterte.

CUSTOMS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with