Sa gitna ng planong ibalik ang parusang kamatayan sa bansa, inihain ni Sen. Leila de Lima ang panukalang “qualified reclusion perpetua” sa mga extraordinary heinous crimes kabilang ang drug cases at plunder.
Michael Varcas
Qualified reclusion perpetua pangontra ni de Lima sa bitay
Malou Escudero (Pilipino Star Ngayon) - July 7, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Sa gitna ng planong ibalik ang parusang kamatayan sa bansa, inihain ni Sen. Leila de Lima ang panukalang “qualified reclusion perpetua” sa mga extraordinary heinous crimes kabilang ang drug cases at plunder.

Sa kanyang Senate Bill 187, nais ni de Lima na ipalit ang habambuhay na pagkabilanggo sa parusang kamatayan.

Nakasaad sa panukala na ang “qualified reclusion perpetua” ay ang pagkakakulong ng 50 taon ng walang posibilidad na magkaroon ng parole. Ang mahahatulan ay papatawan din ng multang P5 milyon. 

Sinabi pa ni de Lima na sa gitna ng kuwestiyon sa moralidad at bisa ng parusang kamatayan, ang kanyang panukala ang magiging alternative rito.

Bukod sa plunder, pasok din sa panukala ni de Lima ang treason, piracy, murder, infanticide, kidnapping at serious illegal detention, robbery na may kasamang pananakot, destructive arson, rape, plunder at paglabag sa Dangerous Drug Act of 2002.

Pasok din sa panukala ang “extraordinary heinous crimes” katulad ng carnapping, human trafficking, acts of violence against women and children, paglabag sa Republic Act 9851 o Philippine Act on Crimes Against International Humanitarian Law, Genocide at iba pang krimen laban sa humanity, torture at terorismo.

 

DE LIMA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with