Cashless lifestyle sa mobile wallet
(Pilipino Star Ngayon) - July 7, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Para ka na ring may credit card dahil sa pinakabagong promo ng isang mobile wallet.

Base sa GCash promo, makakukuha ng P50 QR voucher kapag nag-subscribe ng GoSAKTO90 ang isang Globe o TM prepaid costumer.

Magagamit ang katumbas na halaga ng QR voucher na pang-shopping, pang-grocery o pambili ng medisina sa mahigit 50,000 GCash partner merchants.

Tulad sa credit card, cashless ang paraan ng paggamit ng QR voucher sa coffee shops, skincare clinics o bookstores na ka-tie-up ng GCash.

Ayon sa isang pag-aaral, maliban sa credit at debit cards, nagagamit na rin ngayon ang mobile phones para sa mga cashless transaction at nakatutulong ito para sa maraming Pilipino na walang bangko at mababa ang credit score upang maging parte ng “cashless society.”

Para makuha ang libreng P50 QR voucher, mag-load lang ng GoSAKTO90 mula sa GCash o kahit sa mga sari-sari store. Mag-reply ng “GoSAKTO90 GCASH” sa matatanggap na prompt upang kunin ang GCash freebie na malalagay sa tinatawag na “voucher pocket” ng GCash app.

Magagamit ang P50 QR voucher sa loob ng 14 araw at patuloy na mag-load ng GoSAKTO90 para dumami ang freebies.

MOBILE WALLET
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with