Ang mga nasabing housing units ng National Housing Authority ay bahagi ng 64,467 kabahayang nakalaan sana para sa mga nakababang alagad ng batas at hukbo.
File
COA: 3,965 pabahay ng nakababang pulis, sundalo napunta sa 'high ranking officials'
(Philstar.com) - July 5, 2019 - 1:08pm

MANILA, Philippines — May 3,965 kabahayang para sa mga "low-salaried" members ng Armed Forces of the Philippines, Philippine National Police, Bureau of Fire Protection, Bureau of Corrections at Bureau of Jail Management and Penology at Bureau of Corrections ang napasakamay ng mga mga bigating pulis at sundalo, base sa pinakahuling ulat ng 2018 annual audit report ng Commission on Audit.

Ang mga nasabing housing units ng National Housing Authority ay bahagi ng 64,467 kabahayang nakalaan sana para sa mga nakababang alagad ng batas at hukbo.

Ipinalitaw ng COA na hindi maayos na naipatupad ang pamamahagi ng tirahan, sapagkat may 1,442 sundalo sa matataas na ranggo ang nakatanggap ng tigalawang unit ng pabahay.

“It must be emphasized that the awarding of HUs (Housing Units) to HRMOs (High Ranking Military Officers) reduced the number of units available to the intended beneficiaries, thus affects the attainment of the objective of the program,” sabi ng COA.

(Lumalabas na ang mga bahay na napunta sa mga HRMOs ay labis na nakabawas sa pabahay ng mga nararapat na tumanggap nito. Kaya naman, labis ding naapektuhan ang pagpapatupad ng programang iyon.)

Sa kasalukuyan, nananatiling 26,013 kabahayan ang hindi pa natitirhan ng mga benepisyaryo sa PNP, AFP, BFP at BJMP.

Sa parehong tala ng COA hanggang Disyembre 2018, makikitang ang mga Master Sergeant sa AFP ang pinakamaraming natanggap na pabahay.

Ayon sa ulat ng The STAR, ang mga Master Sergeant ay kumikita ng P33,411 habang P38,366 naman ang mga nakukuha ng mga First Chief Master Sergeant.

Isang major general naman, na sumasahod ng P102,896, ang pinakamataas na ranggong nakatanggap ng pabahay.

Samantala, ang mga Police Officer 1 hanggang 3 ay kumikita lamang ng P30,261 hanggang P32,756.

Ayon sa Memorandum Circular 2661, para sana sa tatlong pinakamababang ranggo sa mga ahensyang nabanggit ang mga unit:

PNP

  • Police Officer 1
  • Police Officer 2
  • Police Officer 3

AFP

  • Private/Private First Class
  • Corporal/Sergeant
  • Staff Sergeant/Technical Sergeant

BFP/BJMP/BuCor

  • Fire/Jail/Correction Officer 1
  • Fire/Jail/Correction Officer 2
  • Fire/Jail/Correction Officer 3

Tumaas rin sa 923 housing units ang naibigay sa mga HRMOs noong 2018 kumpara sa 230 HUs na naibigay sa parehong sektor noong 2016.

Dahil sa mababang bilang ng mga tumitira sa mga nasabing bahay, inutusan ang NHA na ibigay ang mga HUs sa iba pang empleyado ng gobyerno na may mababang sahod, tulad ng mga guro sa pampublikong paaralan, empleyado ng munisipyo o opisyales ng baranggay.

Nabanggit din sa ulat na nautusan ang NHA na ipamahagi rin ang HUs sa mga informal settlers kung saan man nakatayo ang housing project.

Pinagkakakitaan?

Pinaratang naman ng Kalipunan ng Damayang Mahihirap, ipinarerenta raw ng mga otoridad ang mga kabahayang dapat ay para sa mga benepisyaryo nito habang nagkukunwari raw na hindi alintana ng NHA.

“Sa katunayan ang malalaking nag-papaupa ng mga housing unit ay mga makapangyarihan, dala pa ang mga goons tuwing hindi nagbabayad ang renter,” ani ng puno ng KADAMAY Gloria “Ka Bea” Arellano.

Kasalukuyang 2,996 sa mga nasabing kabahayan ang tinitirhan ng KADAMAY, isang militanteng grupo ng mga maralitang lungsod.

Samantala, 2,525 sa 2,625 bahay na ipinamahagi sa mga dating rebelde ang nanatiling walang nakatira.

Dinagdag rin ng grupo na ni hindi makatitira ang mga militar na may mababang sahod sa mga sira-sirang pabahay ng NHA.

Ayon sa COA, may 22,440 kabahayang para sa mga militar ang kasalukuyang walang nakatira habang 58,946 bahay naman ang tapos na.

Dagdag pa nila, habang ang kawalan ng bahay ay mariing nagpapahirap sa mga Pilipino, dapat ang pamamahagi ng bahay ay hindi nakabase sa palakasan. 

“Napakarami nating kababayan na walang masilungan. Marami ang pinalayas na sa kanilang mga tahanan pero malinaw kung sino ang uunahin ng rehimen. Iyung mga utusan niya para pumatay ng kapwa Pilipino,” dagdag ni Arellano. — Philstar.com intern Blanch Marie Ancla

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES COMMISSION ON AUDIT KADAMAY NATIONAL HOUSING AUTHORITY PHILIPPINE NATIONAL POLICE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with