'Karamihan' sa naospital sa birthday ni Imelda Marcos discharged na — Pasig CDRRMO
'Yan ay kahit sinabi ngayong araw ni Health Seceretary Francisco Duque III na 306 pa ang naka-admit sa ospital kaugnay ng food poisoning.
The STAR/Michael Varcas

'Karamihan' sa naospital sa birthday ni Imelda Marcos discharged na — Pasig CDRRMO

(Philstar.com) - July 4, 2019 - 2:36pm

MANILA, Philippines — Nanindigan ang isang opisyal ng Lungsod ng Pasig na nakalabas na ng ospital ang malaking bilang ng mga bisitang sumama ang pakiramdam matapos makisalo sa ika-90 kaarawan ni dating first lady Imelda Marcos.

Sa kabila nito, meron pa rin daw ilang nananatili sa pagamutan, sabi ni Bryant Wong, city disaster risk reduction and management officer ng siyudad, sa panayam ng dzBB Huwebes.

"Karamihan na-discharge na, as per reported sa ating command center, pero may mga naiwan pa sa ibang hospital," ani Wong.

'Yan ay kahit sinabi ngayong araw ni Health Seceretary Francisco Duque III na 306 pa ang naka-admit sa ospital kaugnay ng food poisoning.

Hindi pa naman daw matiyak ni Wong kung ilan sa mga pasyente ang nasa kritikal na kondisyon.

"Hindi po natin masasabing seryoso o hindi kasi ospital na po ang makapagsasabi nun, sa ER po," dagdag niya.

Umabot sa walong ambulansya ang ipinadala ng Philippine Red Cross kahapon sa Ynares Sports Complex matapos makaranas ng "pagsusuka" at "pagkahilo" ang daan-daang indibidwal.

Umabot sa 2,500 bisita ang hinainan ng adobo at itlog matapos magtungo sa nasabing event.

Ayon kay Duque, maaaring idinulot daw ito ng toxin na "staphylococcus aureus."

"It could have come from the eggs. Reports said that the guests tasted the eggs, which could be contaminated," sabi ng kalihim sa kalusugan.

(Siguro nanggaling ito sa itlog. Sinabi ng ilang ulat na tumikim sila ng itlog, at maaaring nakontamina ito.)

Imelda hindi naano

Paglilinaw naman ni Sen. Imee Marcos, anak ni Imelda at yumaong diktador na si Ferdinand, maayos naman ang kalagayan ng kanilang ina sa kabila ng dinanas ng kanilang mga tagasuporta.

"Napanis man ‘yung pagkain, ganunpaman solid na solid pa rin," kanyang pagpapasalamat.

Sa pahayag naman ng abogado at Marcos loyalist na si Larry Gadon, wala raw kaalam-alam ang birthday celebrant habang nangyayari ang nangyari.

"Madam Marcos was totally unaware (Walang kaalam alam si Gng. Marcos)," sabi niya.

"[T]he organizers did not bother her anymore so as not to disrupt the program they prepared."

(Hindi na siya ginambala ng mga nag-organisa para hindi magulo ang programang inihanda nila.)

Humingi na rin ng paumanhin ang anak ni Imelda na si dating Sen. Bongbong Marcos at nangako ng tulong sa mga naabala.

"Asikasuhin na lang natin ‘yung mga nasa ospital at asahan ninyo na bibisitahin natin ang bawat isa," paniniguro naman ni Imee. — James Relativo

BIRTHDAY FOOD POISONING IMELDA MARCOS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with