Sinabi ni Panelo na, sa ulat ni Ambassador Chito Sta. Romana, tinanggihan ng Chinese government ang pagkakaroon ng 3rd party investigator sa insidente sa West Philippine Sea bagkus ay mas pabor sila sa pagkakaroon ng joint investigation ng China at Pilipinas.
Third party sa Recto Bank probe kinontra ng China
Rudy Andal (Pilipino Star Ngayon) - July 2, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Tinutulan ng China ang pagkakaroon ng 3rd party investigator sa nangyari sa Recto Bank noong June 9 kung saan nabangga ng isang Chinese fishing vessel ang Pinoy fishing boat na may lulang 22 mangingisda, ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo.

Sinabi ni Panelo na, sa ulat ni Ambassador Chito Sta. Romana, tinanggihan ng Chinese government ang pagkakaroon ng 3rd party investigator sa insidente sa West Philippine Sea bagkus ay mas pabor sila sa pagkakaroon ng joint investigation ng China at Pilipinas.

 “Kung meron tayo separate investigation, let’s meet, create task force and let’s exchange findings,” dagdag pa ng presidential spokesman.

 Idinagdag pa ng Malacañang, kung magkaiba ang findings ng China at Pilipinas sa WPS incident noong June 9 ay isusulong ng gobyerno ang pagkakaroon ng 3rd party investigator.

 Sinabi pa ni Pane­lo, kung may 3rd party investigator o joint inves­tigation ay payag si Pangulong Duterte para lamang malutas ang isyu sa WPS.

Ayon pa kay Pane­lo, hindi papayag ang gobyerno na hihingi lamang ng paumanhin sa 22 mangingisdang iniwan sa karagatan matapos mabangga at lumubog ang kanilang sinasak­yang bangka sa Recto bank.

 Binanggit pa niya na hindi sapat ang paghingi lamang ng ‘sorry’ sa ina­bandonang 22 mangi­ngisda.

Samantala, isiniwalat ni Panelo na walang nilagdaang pormal na dokumento sina Duterte at Chinese President Xi Jinping nang magkaroon ng kasunduan ang dalawang lider noong nakaraang linggo kaugnay ng pangingisda sa West Philippine Sea.

Naunang ipinahayag ni Duterte na nagkaroon sila ng kasunduan ni Jinping na hindi na haharangin ng mga mangi­ngisdang Intsik ang mga mangingisdang Pilipino sa Scarborough Shoal at papayagan nang makapasok as Recto Bank ang mga Intsik.

“Mas pa sa informal agreement iyon kaysa sa documented,” sabi ni Panelo sa isang TV interview. “Sa palagay ko wala silang nilagdaang kasunduan.  Nagkausap lang sila. Meron namang palabra de honor ang mga world leader.”

RECTO BANK
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with