Ipinunto pa ni Angara na ang mga personnel ng Armed Forces of the Philippines at Department of National Defense ay nagkaroon na ng increase sa kanilang base pays pero wala pang increase sa mga guro.
Panukalang umento isinampa sa Senado
Malou Escudero (Pilipino Star Ngayon) - July 2, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Kabilang ang panukalang batas na naglalayong dagdagan ang sahod ng mga guro sa mga unang inihain kahapon sa Senado. Ayon kay Senator Sonny Angara, awtor ng panukala, “overdue” na ang salary increase ng mga guro na mapapakibangan ng nasa 800,000 public mentors sa bansa kapag naging batas.

Ipinunto pa ni Angara na ang mga personnel ng Armed Forces of the Philippines at Department of National Defense ay nagkaroon na ng increase sa kanilang base pays pero wala pang increase sa mga guro. 

Kabilang naman si Senator Ramon “Bong” Revilla Jr. sa naghain kahapon ng 10 panukalang batas kung saan kabilang ang panukala na naglalayong magkaroon ng P125 wage increase.

Sa panukala ni Revilla, nais nitong across-the-board ang increase sa suweldo ng mga empleyado at manggagawa na matagal nang nagsasagawa ng mga protesta dahil hindi na akma ang kanilang kinikita sa kanilang pamumuhay.

Kasabay nito ay ang pagbibigay ng benepisyo sa mga retiradong opisyal ng barangay, kasama na ang tanod, lupon ng tagapamayapa, health workers at barangay daycare workers.

SONNY ANGARA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with