Yan ang nais na pa­mamaraan ni Sen. Ro­nald “Bato” dela Rosa sa pagpapataw ng ka­parusahan kaugnay ng isinusulong na death penalty.
Firing squad sa plaza vs drug traffickers
Joy Cantos (Pilipino Star Ngayon) - June 27, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — “Firing squad sa plaza sa lahat ng convicted drug traffickers!”

Yan ang nais na pa­mamaraan ni Sen. Ro­nald “Bato” dela Rosa sa pagpapataw ng ka­parusahan kaugnay ng isinusulong na death penalty.

“Yung gawing public na maging katakot-takot sa mga tao na gumawa, para hindi pamarisan. Kung gusto mo yung firing squad sa plaza covered live by media para makita ng taumbayan na hindi tayo dapat gumawa ng ganito para maging deterrent yan,” pahayag ni Dela Rosa sa pagdalo nito sa 2019 Stakeholders Summit ng PNP-Civil Security Group-Supervisory Office for Security and Investigation Agency (SOSIA) sa Camp Crame kahapon.

Si Dela Rosa ang da­ting PNP chief na nagsimula ng puspusang giyera sa droga na siyang ipinangako ni Pangulong Duterte sa pag-upo nito sa puwesto.

Nilinaw naman ni Dela Rosa na ang kaniyang bersyon ng death penalty ay para sa drug trafficking o mga big time drug traffickers na nagpapabaha ng droga.

“Ito yung mga drug traffickers na nahuhulihan ng isang kilo ng shabu pataas at hindi kasama ang mga small time na street level drug pushers na nakukumpiskahan ng ilang sachet ng shabu,” ani Dela Rosa.

Pag-uusapan pa anya sa Senado kung anong uri ng death pe­nalty ang ipapataw sa mga drug trafficers at magkakaroon rito ng Implementing Rules and Regulation (IRR).

Sinabi ni Dela Rosa na dapat paigtingin ang pagpapataw ng kaparusahan sa pamamagitan ng death penalty sa mga drug traffickers para hindi na magtangka pa ang mga big time drug trafficker na magpakalat ng droga sa Pilipinas. 

Sa pahayag naman ng United Nations High Commissioner on Human Rights (UNHR) na masyadong mataas ang mga casualties sa drug war, sinabi ni Dela Rosa na hindi dapat nakikialam ang mga ito sa Pilipinas.

DEATH PENALTY DRUG TRAFFICKERS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with