Si Leyte Rep. at Speaker of the House candidate Martin Romualdez (gitna) sa ginanap na caucus kahapon kasama ang mga mambabatas mula sa iba’t ibang partido na nagpakita ng suporta sa kanya.
Boy Santos
Suporta kay Romualdez para speaker bumuhos
Gemma Amargo Garcia (Pilipino Star Ngayon) - June 27, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Tila pagpapakita ng puwersa ang gina­wang pagtitipon ng mga pangunahing lider at politicial parties kahapon para suportahan sa speakership si Leyte Rep. Martin Romualdez.

Ayon kay House Majority leader at Capiz Rep. Fredenil Castro, ito ang kauna-unahang serye ng caucus na gagawin kung saan layunin ng coalition na magkaisa ang mga political parties at iba pang bloc sa Kamara para mapabilis ang pagpasa ng priority bills ng Pangulo.

Giit pa ni Castro, presidente ng National Unity Party (NUP), na nagdesisyon sila na mag-cross party lines at magsama-sama para mapabilis ang pag-apruba sa priority bills ng Pangulo sa papasok ng 18th Congress.

Para naman kay Albay Rep. Joey Salceda, nagdesisyon ang mga political parties at iba pang bloc sa Kamara para magkaroon sila ng malinaw na imahe ng reporma na isinusulong ni Romualdez na ipapatupad sa susunod na kongreso.

Nilinaw naman ni Rep. Michael Defensor ng Anak Kalusugan party­list na karamihan sa kanyang mga kasama ay lumagda sa manifesto of support para kay Romualdez.

Bukod naman sa NUP, PDP-Laban at partylist coalition, kabilang din sa mga dumalo sa multiparty caucus ang mga miyembro ng Lakas-CMD, Nacionalista Party at Liberal Party.

MARTIN ROMUALDEZ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with