Sa ginanap na multi-party caucus sa Seda Hotel sa Quezon City ng mga kongresistang sumusuporta kay Leyte Rep. Martin Romualdez, sinabi ni Albay Rep. Joey Salceda, walang nangyaring konsultasyon sa mga miyembro ng PDP-Laban bago iendorso si Velasco bilang House Speaker.
Pro-Velasco manifesto pinalagan
Gemma Amargo-Garcia (Pilipino Star Ngayon) - June 27, 2019 - 12:00am

PDP-Laban, Partylist members ‘di kinonsulta

MANILA, Philippines — Pumalag ang ilang kongresista na kasapi ng ruling party na PDP-Laban at Partylist Coa­lition sa ipinalabas na manifesto of support na nagsasabing suportado nila at ng ibang partido sa Kamara ang Speakership bid ni Marinduque Rep. Lord Allan Velasco, dahil hindi ito dumaan sa konsultasyon sa kanilang mga miyembro.

Sa ginanap na multi-party caucus sa Seda Hotel sa Quezon City ng mga kongresistang sumusuporta kay Leyte Rep. Martin Romualdez, sinabi ni Albay Rep. Joey Salceda, walang nangyaring konsultasyon sa mga miyembro ng PDP-Laban bago iendorso si Velasco bilang House Speaker.

Giit ni Salceda, dapat konsultahin din silang mga miyembro sa isyu ng Speakership at hindi lamang desisyunan ng mga lider.

Pinalagan din ni Salceda ang pananakot ni PDP Laban President Koko Pimentel na parurusahan ang mga PDP-Laban members na hindi boboto kay Velasco. 

Anya, hindi maaaring daanin sa takutan ang pagboto ng speakership dahil marami din naman silang nagawa.

Wala na ba umanong halaga ang kanilang mga ginawa sa partido na dahil lamang sa pagpili ng speakership ay pagbabantaan sila na hindi umano nararapat dahil napaka-lupit naman na gawin dahil may proseso pa rin ito na dapat pagdaanan.

Umalma din sina Ako Bicol Rep. Alfredo Garbin at Anakalusugan Rep. Mike Defensor na mi­yembro ng Partylist Coa­lition, at sinabing wala pa silang napipili at hindi sila nakokonsulta kung sino ang susuportahan na susunod na speaker.

Ang ipinalabas uma­nong edorsement na may pirma ni partylist coalition president Mikee Romero ay sa kanyang personal na kapasidad at hindi maiuugnay sa desisyon ng lahat ng  miyembro nito.

LORD ALLAN VELASCO PARTYLIST COA­LITION
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with