

Jueteng mas ok sa droga - Digong
MANILA, Philippines — Mas pipiliin ni Pangulong Duterte na umiral ang jueteng (illegal numbers game) kaysa sa illegal drugs.
Aminado ang Pangulo na kapag ipinatigil niya ang operasyon ng jueteng ay mapapalitan ito ng kalakaran ng iligal na droga.
Ayon din sa Pangulo, ang sugal na jueteng ay pinakamaganda na networking na maituturing niyang matagumpay.
Aniya, wala raw ditong sabit, hindi katulad ng nangyari sa mga miyembro ng Kapa Community Ministry.
Idinagdag pa ni Pangulong Duterte, sa ngayon habang hindi pa raw kaya ng ekonomiya ng bansa na maglapag ng pagkain sa mesa ng bawat pamilya, hahayaan muna raw niya ang sistema ng jueteng kung saan raw naroon ang pera.
“Maski sinong Presidente ilagay mo dito, for as long as the economy does not really provide food on the table for so many families, hayaan mo na lang ‘yan. At least ang pera doon… Kasi hindi ko talaga rin kaya. At pagka sinira ko ‘yan, ang papalit sa apparatus niyan, droga. So choose between the lesser evil,” dagdag pa ng Chief Executive.
Wika pa ng Pangulo, sa pagitan ng droga at jueteng, kailangan lang daw niya mamili kung ano ang lesser evil sa dalawa.
- Latest