Sa joint committees on Public Works and Highways at Natural Resources sa Kamara, sinabi nina Maynilad President Ramoncito Fernandez at Manila Water President Ferdinand dela Cruz na bukas silang pag-aralan at isakatuparan ang nasabing alternatibong paraan.
Miguel De Guzman
Metro Manila ‘mag-iigib’ na sa probinsiya
Angie dela Cruz, Gemma Garcia (Pilipino Star Ngayon) - June 26, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Handang ‘mag-igib” ang mga water concessionaire na Maynilad at Manila Water mula sa mga water district sa kalapit na mga lalawigan upang makatulong sa kapos na suplay ng tubig sa Metro Manila.

Sa joint committees on Public Works and Highways at Natural Resources sa Kamara, sinabi nina Maynilad President Ramoncito Fernandez at Manila Water President Ferdinand dela Cruz na bukas silang pag-aralan at isakatuparan ang nasabing alternatibong paraan.

Sa ngayon, sinabi ni Local Water Utilities Administration (LWUA) Administrator Jeci Lapus na nakikipag-ugnayan na sila sa mga local water district sa Cavite, Laguna at Bulacan.

“Ang Metro Manila 2 million households. Ang nasa Laguna, Cavite and Bulacan naman is only about 950,000 households so kung makakahingi po tayo dun ay ma­laking tulong na ito,” pahayag ni Lapus.

Gayunman, ang isa sa magiging problema umano ay kung paano ibibiyahe o transportasyon ng tubig patungong Metro Manila.

Sa nasabing pagdinig, itinutulak din na madagdagan pa ang mga dam na maaaring itayo sa Quezon province, Pampanga, Nueva Ecija at Bulacan. Kailangan na rin umanong magkaroon ng Department of Water na dapat mangasiwa sa usapin ng supply ng tubig.

Ang MWSS ang namamahala sa pagkukunan ng tubig habang ang National Water Resources Board ang nangangasiwa sa alokasyon ng tubig.  

Sa ngayon, sa paparating na malakas na ulan pa rin aasa ang gobyerno para maibalik sa normal level ang tubig sa Angat dam.

MANILA WATER MAYNILAD
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with