Ang kaso ay naisampa ng mga magulang ng 10 kabataang mag-aaral na umano’y namatay sa ibinigay na dengue vaccine na Dengvaxia noong 2016.
Michael Varcas
Duque kinasuhan sa Ombudsman
Angie dela Cruz (Pilipino Star Ngayon) - June 26, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Kinasuhan ng graft at plunder sa Office of the Ombudsman si Health Sec. Francisco Duque III kaugnay sa lease agreement sa pagitan ng kompanya ng kanyang pamilya at ng Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth).

Ang kaso ay naisampa ng mga magulang ng 10 kabataang mag-aaral na umano’y namatay sa ibinigay na dengue vaccine na Dengvaxia noong 2016.

Sa kanilang reklamo kasama ang Public Attorney’s Office (PAO), inakusahan ng mga ito si Duque sa ginawang pagpayag ng kompanya ng pamilya na Educational and Medical Development Corp. (EMDC) na upahan ng PhilHealth ang ikatlong palapag ng gusali nito sa Dagupan City, Pangasinan para gawing PhilHealth regional office sa Ilocos. Si Duque ay ex-officio chair ng PhilHealth.

Ipinakitang ebidensiya ng mga complainant ang dokumento na nagsasabing si Duque ay stockholder ng EMDC at lease contract ng PhilHealth sa gusali ng mga Duque.

Umaabot umano ang monthly rental ng PhilHealth sa gusali ng mga Duque sa P529,261.20 na nakasaad sa pinirmahang lease agreement epek­tibo noong 2018.

Sa kanyang panig, sinabi naman ni Duque na sasagutin niya ang mga akusasyon at patutunayang wala siyang nilabag sa batas hinggil dito.

FRANCISCO DUQUE III PHILIPPINE HEALTH INSURANCE CORP.
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with