Sa pakikipag-usap niya sa mga bagong mambabatas, sinabi ni Duterte na hiniling niya kay outgoing Speaker Gloria Macapagal-Arroyo na huwag na siyang isali sa pagpili ng papalit dito.
Duterte hindi na mag-eendorso ng Speaker
(Pilipino Star Ngayon) - June 26, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Sinabi kahapon ni Pangulong Duterte na hindi na siya mag-eendorso ng kandidatong speaker ng House of Representatives.

Sa pakikipag-usap niya sa mga bagong mambabatas, sinabi ni Duterte na hiniling niya kay outgoing Speaker Gloria Macapagal-Arroyo na huwag na siyang isali sa pagpili ng papalit dito.

“Si ma’am na lang para hindi na ako mahirapang pumili kasi kaibigan ko silang lahat, kaya ayaw kong magsama sila ng loob,” sabi ni Duterte sa kanyang talumpati.

Nagbiro pa ang Pangulo na “nagbanta” siya na ipapakulong si Arroyo kapag tinanggihan siya nito.

Pero, kahit tumanggi si Arroyo, sinabi ni Du­terte na ang mga kongresista mismo ang dapat umayos sa isyu ng House speakership sa kanilang hanay.

“Maski sino Speaker kumportable ako basta Pilipino,” sabi pa niya.

Kabilang sa kumakandidatong Speaker sina  Marinduque Rep. Lord Allan Velasco, Leyte Representative-elect Martin Romualdez, at Taguig Pateros Representative-elect Alan Peter Cayetano.

GLORIA MACAPAGAL-ARROYO HOUSE OF REPRESENTATIVES
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with