^

Bansa

PDP-Laban solons suportado si Cayetano

Pilipino Star Ngayon
PDP-Laban solons suportado si Cayetano
Nagkaisa sina Rep. Ronnie Zamora ng San Juan, Rep. Neptali “Bo­yet” Gonzales II ng Mandaluyong, Rep. Abraham Tolentino (Cavite) at Rep. Dan Fernandez (Laguna) na isulong ang pagka-Speaker ni Cayetano kahit pa siya ay mula sa Nacionalista Party.
Joey Mendoza

MANILA, Philippines — Nagpahayag ng su­porta ang mga kongre­sista mula sa PDP-Laban sa kandidatura ni Taguig-Pateros Rep. Alan Peter Cayetano sa pagka-Speaker.

Nagkaisa sina Rep. Ronnie Zamora ng San Juan, Rep. Neptali “Bo­yet” Gonzales II ng Mandaluyong, Rep. Abraham Tolentino (Cavite) at Rep. Dan Fernandez (Laguna) na isulong ang pagka-Speaker ni Cayetano kahit pa siya ay mula sa Nacionalista Party.

Ayon kay Zamora, si Cayetano ang pinaka­kwalipikado kumpara sa ibang mambabatas na nagnanais na mamuno sa House.

Sinabi naman ni Gon­zales na ang kaila­ngan sa Kamara ay hin­di lamang malapit sa Presidente kundi meron din itong kakayanang mamuno, bukod pa sa magandang track record sa serbisyo publiko. 

Dagdag naman nina Tolentino at Fernandez, naghayag na ng suporta ang karamihan ng PDP-Laban solon para kay Cayetano dahil nais nila na ang mamuno sa Kamara ay taong mapagkakatiwalaan.

Samantala, patuloy na nanunuyo sa suporta ng ibang partido ang karibal ni Cayetano sa pagka-Speaker na si Marinduque Rep. Lord Allan Velasco.

Inanunsyo nina PDP-Laban members Rep. Doy Leachon, Johnny Pimentel at Rimpy Bondoc na nasa 40 miyembro ng partido ang pumirma sa manifesto of support para sa Speakership bid ni Velasco. 

Habang ang ibang miyembro nito na pawang mga senior congressman ay nag-cross partylines para suportahan naman ang kandidatura ni Ca­yetano.

Kinumpirma ng Maka­bayan Bloc na kinausap sila ni Velasco.

Sa panig ng Liberal Party sinabi ni Caloo­can Rep. Edgar Erice na kinausap din sila ni Velasco, aniya, hinihika­yat sila ni Velasco na su­mama na sa Majority at isa sa posibleng ibigay sa kanila ay mga committee Chairmanship para sa kanilang mga senior members.

vuukle comment

ALAN PETER CAYETANO

PDP-LABAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with