^

Bansa

‘Pambabastos ni Locsin kay Robredo, walang puwang sa lipunan’ — Pangilinan

Philstar.com
�Pambabastos ni Locsin kay Robredo, walang puwang sa lipunan� � Pangilinan
Ayon kay Pangilinan, bagama't nag-sorry na si Locsin ay mariin pa rin nilang kinokondena ang kanyang "pambabastos, panlalait at pang-iinuslto" kay Robredo sa social media.
The STAR/Geremy Pintolo, File

MANILA, Philippines — Kinundena ni Liberal Party President Kiko Pangilinan ang pagtawag ni Foreign Affairs Secretary Teddy Locsin Jr. na “boba” kay VP Leni Robredo, Lunes.

Ayon kay Pangilinan, bagama't nag-sorry na si Locsin ay mariin pa rin nilang kinokondena ang kanyang "pambabastos, panlalait at pang-iinuslto" kay Robredo sa social media.

“Ang ganitong klase ng panlalait at pambabastos ay walang puwang sa isang sibilisadong lipunan at lalo na na nanggagaling sa Kalihim ng Department of Foreign Affairs ang tanggapan na nangunguna sa pambansang diplomasya,” ani Pangilinan.

Ang patutsada ng kalihim ay tugon sa komentaryo ng bise presidente kume-kwestyon sa naging aksyon ng DFA na pagkansela ng mga coutesy diplomatic passports, dahilan para maharang sa Hong Kong International Airport si dating Foreign Affairs Secretary Albert del Rosario Biyernes.

“Hey, boba, that is precisely why I have ordered the cancellation of all courtesy diplomatic passports because I refuse to single out del Rosario,” sabi niya sa Twitter.

(Boba, iyan mismo ang dahilan kung bakit inutos ko ang pagkansela ng lahat ng courtesy diplomatic passports kasi ayokong ihiwalay si Del Rosario.)

Sabi ni Locsin, ipinakansela niya ang lahat ng diplomatic passports ng mga nagretirong diplomat upang maiwasan ang pagpapalagay ng mga tao na ibinibigay ito basta sa mga kaibigan.

“Will someone please do her the kindness to give her a brain? Here I am trying to do what's right, which is to restrict diplomatic passports to real existing working diplomats so as not to devalue them abroad—and not pass them out as favors to retirees & friends,” sunod pa ng kalihim.

(Pwede bang may magmabuting-loob na magbigay ng utak sa kanya? Sinusubukan kong gawin ang tama, ‘yung ilimita ang diplomatic passport sa mga kasalukuyang nagtatrabahong diplomatiko para hindi sila mapawalang halaga sa ibang bansa—at hindi ilabas lang na pabor sa mga nagretiro na at mga kaibigan.)

Ani Robredo sa kanyang palatuntunan sa radyo na "BISErbisyong Leni," “imbes na ipagtanggol iyong mamamayan ng Pilipinas [Del Rosario], parang sinisi pa at kinancel.”

Locsin humingi ng paumanhin

Humingi na ng tawad si Locsin sa bise matapos mapuna ng netizens.

“I don't mean to be disrespectful Ma'am. You are just a missing heartbeat away from the Presidency. I respect you for that accident of fortune. But there are things that require a measure of study & thought. Please ask me next time. At your service, Ma'am,” ani Locsin sa tweet.

(Hindi ko sinasadyang maging bastos, Ma’am. Isang tibok ng puso na lang ‘yung layo mo mula sa pagkapangulo at iginagalang kita para sa aksidente ng kapalaran na ‘yun. Ngunit may mga bagay na kailangan ng pag-aaral at pag-iisip. Pakiusap, magtanong kayo sa akin sa susunod. Iyong lingkod, Ma’am.)

Dagdag niya, humingi siya ng paumanhin dahil ang kanyang ginawa ay “hindi tamang pagkausap ng isang ginoo sa isang babae.”

May isang netizen naman na nag-tweet sa kalihim na tama ang ginawa niyang pagtawag na “boba” sa bise na sinagot ni Locsin na hindi mali ito.

“No, it is not. She is our Vice President. I have apologized. She is the only successor to the President. Elections alone determine who takes what post; not public sentiment. Besides she really won the election. 200,000 is huge,” ani ng kalihim.

(Hindi, mali ‘yun. Siya ang bise presidente natin. Humingi ako ng tawad. Siya ang nag-iisang kahalili ng pangulo. Eleksyon lang ang nagsasabi sino ang kukuha ng posisyon; hindi pakiramdam ng publiko. Nukod dun, nanalo talaga siya sa eleksyon. Malaki ‘yung 200,000.) — Philstar.com intern Gab Alicaya

vuukle comment

ALBERT DEL ROSARIO

DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS

DIPLOMATIC PASSPORT

LENI ROBREDO

TEODORO LOCSIN JR.

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with