^

Bansa

DFA chief tinawag na “boba” si VP Leni

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
DFA chief tinawag na �boba� si VP Leni
“Hoy, Boba. Kaya nga inutos kong kanselahin ang lahat ng courtesy diplomatic passports dahil ayokong mapuwera si (dating DFA Secretary Albert) del Rosario,” ayon sa post ni Locsin sa Twitter.

Sa kanselasyon ng diplomatic passport

MANILA, Philippines — Mistulang tinawag na boba ni Department of Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. si Vice President Leni Robredo sa isa niyang post sa social media nang kuwestiyunin ng huli ang kanselasyon ng “diplomatic passports” ng mga dating Filipino diplomats.

“Hoy, Boba. Kaya nga inutos kong kanselahin ang lahat ng courtesy diplomatic passports dahil ayokong mapuwera si (dating DFA Secretary Albert) del Rosario,” ayon sa post ni Locsin sa Twitter.

Bagamat hindi diretsang binanggit ang pangalan ng ikalawang Pangulo, nasa ilalim ng post na ito ang isang balita na nagbababala si Robredo ukol sa na­ging aksyon ng DFA na inilarawan niyang isang “knee-jerk reaction.”

“Puwede bang may magbigay sa kanya ng utak? Narito akong nagsisikap na gumawa ng tama, na limitahan ang diplomatic passport sa totoong working diplomat para hindi mawalan ng halaga ang mga ito sa ibang bansa at huwag itong gawing pabor sa mga retirado at kaibigan,” dagdag pa ng kalihim sa kanyang post.  

Ngunit bumawi rin ang kalihim nang humingi siya ng tawad kay Robredo ngunit iginiit niya na may mga bagay na dapat kailangan ng pag-aaral at pag-aanalisa. 

“Opo. Hindi ito paraan ng pagkamaginoo sa pakikipag-usap sa isang babae. Paumanhin,” isa pang post ni Locsin.  

Samantala, inutos rin ni Locsin ang pagpapasauli ng P500,000 donasyon ni Del Rosario sa 22 mangingisda na sakay ng bangka na sinasabing binunggo ng isang Chinese vessel sa Recto Bank.

 Sa isa pa niyang Twitter post, pinasalamatan niya ang donasyon ni Del Rosario ngunit kailangan nilang isauli ang P500,000 dahil wala naman karapatan ang ahensya na mamahala sa mga donasyon at mapipilitan lamang sila na ilagak ito sa National Treasury dahil sa maaari silang makasuhan ng Malversation.

Iginiit pa ni Locsin na hindi paglabag sa batas o kabastusan ang pagkansela sa “courtesy diplomatic passport” ng mga dating kalihim ng DFA at mga top diplomats.

 Sa halip, idiniin  ni DFA Secretary Teddy Locsin Jr.  na isa pa itong paggalang sa mga dating opisyal.

Ang reaksyon ni Locsin ay kasunod ng komento ni  Del Rosario na iligal ang aksyon ng ahensya na kanselahin lahat ng “diplomatic passport” ng mga dating kalihim at diplomats.

“Ayaw namin silang mabastos ng immigration ng ibang bansa sa pamamagitan ng pagtanggi sa kanila. Pinanganga­lagaan lang ang dangal ng bansa. Maaari naming ibalik iyan (diplomatic passport) pero igigiit na passport lang,” sagot ni Locsin kay Del Rosario sa pamamagitan ng Twitter.

Matatandaan na hinarang si Del Rosario kamakailan sa Hong Kong airport ng mga immigration officials sa kabila ng pagtataglay niya ng “diplomatic passport” na inisyu ni dating DFA Secretary Perfecto Yasay Jr. sa pamamagitan ng Department Order 12-1993.

vuukle comment

LENI ROBREDO

TEODORO LOCSIN JR.

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with