^

Bansa

Eddie Garcia law isinusulong

Doris Franche, Gemma Amargo-Garcia - Pilipino Star Ngayon
Eddie Garcia law isinusulong
Ayon kay 1-Pacman Rep. Mikee Romero, balak niyang tawagin na Eddie Garcia law ang panukala kasabay ng panawagan sa kanyang kapwa mambabatas na suportahan ito para mabigyan ng kahulugan ang pagkamatay ng kanyang amain.

MANILA, Philippines — Isinusulong sa Kamara ng anak-anakan ni yumaong aktor-director Eddie Garcia ang panukalang batas na mangangalaga sa occupational safety at  kaligtasan sa trabaho at kaligtasan ng mga artista.

Ayon kay 1-Pacman Rep. Mikee Romero, balak niyang tawagin na Eddie Garcia law ang panukala kasabay ng panawagan sa kanyang kapwa mambabatas na suportahan ito para mabigyan ng kahulugan ang pagkamatay ng kanyang amain.

Inaasahan ni Romero na 100 kongresista ang pipirma at susuporta sa panukala at inaasahan na magkakaroon din ito ng counterpart sa Senado sa pamamagitan ni Senate President Tito Sotto.

Paliwanag ng kongresista, layunin ng panukala na mapangalagaan ang kalagayan at kapakanan ng mga aktor na nagtatrabaho sa telebisyon at pelikula.

Kabilang sa itatakda ng panukala ay ang pagkakaroon ng mandatory actors and production staff insurance coverage, oras ng trabaho sa loob lamang ng walo hanggang 12 oras, pagkakaroon ng medical and safety procedures sa production set.

Gayundin ang pagkakaroon ng mandatory safety officers, emergency operational standards at procedures, parusa at p­ananagutan kapag mala­labag ang mga nabanggit.

Ginawa ni Romero ang hakbang kasunod ng pagkamatay ng kanyang amain na isang batikang aktor at direktor na si Eddie Garcia.

Samantala, dala ng mga kuwestiyon sa pagkamatay ni Garcia, sinimulan na ng Occupational Safety and Health Center (OSHC) ang imbestigasyon hinggil dito.

Sinabi ni Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Silvestre Bello III na titignan ng OSHC kung may mga pagkukulang ang TV production company kung saan naaksidente ang aktor.

Isa sa mga aspetong  kinukuwestiyon ay ang pagkalat ng kable na na­ging dahilan umano ng pagkapatid ng aktor.

Makikita rin sa imbestigasyon kung naipatupad ba ang safety and health plan ng kumpanya.

Wala din umanong ambulansiya o medic na nakaabang sa set para sa anumang aksidente.

vuukle comment

EDDIE GARCIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with