Si dating DFA Sec. Albert del Rosario nang dumating sa NAIA Terminal 3 matapos hindi payagang makapasok sa Hong Kong kahapon.
Rudy Santos
Ex-DFA chief hinarang sa HK
Rudy Andal, Danilo Garcia, Butch Quejada (Pilipino Star Ngayon) - June 22, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Hindi pinayagang makapasok sa Hong Kong si dating Foreign Affairs Secretary Albert del Rosario, kahapon ng umaga.

Si del Rosario, na nanguna sa maritime arbitration case laban sa China noong 2013, at nagreklamo sa International Criminal Court (ICC) nitong Marso laban kay Chinese President Xi Jinping, ay nadetine nang 6 na oras ng immigration officials ng Hong Kong, na special administrative region ng China.

Matapos ang pagtatanong sa kanya ay pinabalik na rin ng Pilipinas ang dating cabinet official.

Sinabi ni del Rosario na may business meeting siya sa Hong Kong at ginamit ang kanyang diplomatic passport para hindi na pumila ngunit ipiniit pa rin siya sa loob ng immigration office.

“Denied entry without explanation. With diplomatic passport, this would be in violation of Vienna convention,” dagdag nito.

Nakasaad sa Vienna Convention ang paggalang ng mga bansa sa mga diplomat mula sa mga bumibisitang bansa, pati na rin sa pamilya ng mga ito.

Pero hindi raw kinilala ng Hong Kong Immigration ang hawak ni del Rosario na diplomatic passport.

Wala rin aniyang ibi­nigay na pahayag sa kaniya ang mga awtoridad ng Hong Kong kung bakit siya pinabalik ng Pilipinas matapos ang anim na oras na interogasyon at paghihintay.

Itinanggi naman ni Philippine Consul General Antonio Morales na inilagay sa isang “holding area” si del Rosario. Sinabi niya na parang normal na biyahero lamang si del Rosario at nagtatagal ang usad sa immigration.

Una nang nakaranas ng sinasabing harassment si dating Ombudsman Conchita Carpio-Morales na hindi pinayagang makapasok sa Hong Kong nitong nakaraang Mayo. Ang dalawa ay ang nagsampa ng kaso laban kay Chinese President Xi Jinping ng “crimes against humanity”.

Iginiit naman ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na wala sa posisyon ang Pilipinas para kuwestiyunin ang naging hakbang ng HK immigration para hara­ngin sa kanilang teritoryo si del Rosario.

Ayon kay Panelo, nasa hurisdiksyon ng HK authorities kung ayaw nitong papasukin ang isang dayuhan sa kanilang teritoryo.

Nasa mga otoridad ng HK ang pagpapasya kung security risk ang isang indibidwal na pumapasok sa kanila at kahit diplomatic passport pa ang bitbit nito basta’t sinabi ng kanilang immigration na hindi maaaring papa­sukin ay wala anya ta­yong magagawa.

Sinabi rin ng itinala­gang officer in charge ng Malacañang na si Justice Sec. Menardo Guevarra na dapat natututo na si del Rosario sa sinapit ni Morales ng harangin ito sa HK international airport.

ALBERT DEL ROSARIO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with