Voters registration simula na sa Agosto
MANILA, Philippines — Simula na uli ang voters registration sa Agosto 1 hanggang September 30, 2019.
Ayon kay Comelec Spokesperson James Jimenez, maaari ring magparehistro ng Sabado at holidays.
Aabot sa 2 milyon ang inaasahang mga bagong botante ang magpaparehistro.
Nilinaw din ni Jimenez na hindi naman na kailangan pang magparehistro ng Sangguniang Kabataan voter na magiging 18 anyos.
Aniya, automatic na itong malilipat mula SK list sa regular na listahan ng mga botante.
Apela ni Jimenez, maagang magparehistro upang maiwasan ang mga aberya lalo pa’t dalawang buwan ang itatagal ng registrations.
- Latest