Tiniyak ng mga awtoridad sa airport sa NAIA T3 passengers na ang insidente ay isang isolated case.
MIAA humingi ng paumanhin sa nagkaaberyang gate sa NAIA
Butch Quejada (Pilipino Star Ngayon) - June 22, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Humingi ng paumanhin ang pamunuan ng  Manila International Airport Authority (MIAA) sa mga pasahero ng Cebu Pacific flight 5J930 galing Bangkok na naghintay ng halos 30 minuto para lamang makalabas sa arrival concourse ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 dahil pumalpak at hindi bumukas ang exit door sa Gate 108.

Gayunman, gumamit ang NAIA T3 engineering personnel ng mga special tools para ma-unlock ang steel door. 

Tiniyak ng mga awtoridad sa airport sa NAIA T3 passengers na ang insidente ay isang isolated case.  

Matapos makumpuni ang nasabing pumalpak na Gate 108 ang mga sumunod na mga pasaherong gumamit nito ay hindi na nagka-problema pa.

CEBU PACIFIC MANILA INTERNATIONAL AIRPORT AUTHORITY
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with