Sa inilabas na 2018 audit report, napuna rin ng COA na ang mga opisyal na binigyan ng travel allowance ay bigong magpakita ng kaukulang dokumento sa mga ginastos nila.
File Photo
14 DOJ officials sinita ng COA sa dami ng biyahe
Gemma Amargo-Garcia (Pilipino Star Ngayon) - June 21, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Pinuna ng Commission on Audit ( COA) ang 14 opisyal ng Department of Justice (DOJ) dahil sa dami ng kanilang biyahe noong nakaraang taon at malaking halaga ng gastos nila.

Sa inilabas na 2018 audit report, napuna rin ng COA na ang mga opisyal na binigyan ng travel allowance ay bigong magpakita ng kaukulang dokumento sa mga ginastos nila.

Kinuwestyon din nila na karamihan sa mga events at meetings ng mga opisyal sa ibang bansa ay dinaluhan ng iisang participants habang ang iba ay lagi ng dinadaluhan ng iisang participant.

Bukod dito, napansin din ng COA na binili ng DOJ ang tiket sa iisang travel agency at gumastos din sila sa tiket ng halagang P1 milyon ng walang kasunduan sa pagitan nito at ng Procurement Service-Department-Budget Management Government Fares Agreement.

Gumastos din umano ang DOJ ng P5,550,149.44 para sa 23 klase ng meetings para sa isang dialog kung saan lima sa participants ay pinadala doon.

Sa kabilang banda, mayroong P771,643.30 gastos ang hindi nasuportahan ng mga resibo at iba pang dokumento para sa liquidation.

Katwiran naman ng DOJ, ang partisipasyon ng mga opisyal ay kaugnay sa ASEAN at ilang treaties o international agreement.

COMMISSION ON AUDIT DEPARTMENT OF JUSTICE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with