“Do not be discouraged. I am not trying to dampen your spirit. That it was during my first visit to Jolo as President --- bago lang nangyari ‘yung --- the beheading of soldiers, ‘yung dalawa,” wika ng Pangulo sa mga sundalo ng bumisita sa 8th Infantry Division ng Philippine Army sa Camp General Lukban in Catbalogan, Samar kamakalawa.
Digong sa mga sundalo:‘Wag susuko sa Sayyaf!
Rudy Andal (Pilipino Star Ngayon) - June 21, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Pinayuhan ni Pangulong Duterte ang mga sundalo na huwag na huwag susuko sa mga Abu Sayyaf Group.

“Do not be discouraged. I am not trying to dampen your spirit. That it was during my first visit to Jolo as President --- bago lang nangyari ‘yung --- the beheading of soldiers, ‘yung dalawa,” wika ng Pangulo sa mga sundalo ng bumisita sa 8th Infantry Division ng Philippine Army sa Camp General Lukban in Catbalogan, Samar kamakalawa.

“So nakita ko ‘yung ibang mga insidente na ang ating --- mga sundalo ko nag-surrender and then only to be treated like dogs in the camp of the Abu Sayyaf. Tapos at the end of the day, sa harap ng video pinuputulan ng ulo. Maybe out of outrage or --- talagang galit lang ako. Sinabi ko na ayaw kong makita ‘yang sundalo ko na pinuputulan ng ulo sa harap ko,” dagdag pa ng Pangulo.

Kilala ang ASG sa pamumugot ng ulo ng kanilang bihag bukod sa sangkot din ito sa kidnapping at pambobomba.

“So do not ever surrender, especially that part of the warzone sa Jolo. Kasi ho bababuyin lang kayo. After the end of the day, they will decapitate you,” giit pa ni Duterte.

“Sabi ko wala man kayong sidearms, your main weapon is the rifle, the M16 or M14. I will provide all of you. Ang pulis lang kasi ang may sidearm. Sabi ko, bigyan ko kayo lahat ng baril --- sidearms,” sabi pa ng Pangulo.

ABU SAYYAF GROUP RODRIGO DUTERTE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with