Ayon kay Lacson, malaking halaga ang nasasa­yang sa PhilHealth at tiyak na madaragdagan pa sa pagpapatupad ng Universal Health Care Act.
Michael Varcas
Overhaul sa PhilHealth
Malou Escudero (Pilipino Star Ngayon) - June 21, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Isinulong ni Sen. Panfilo Lacson ang overhaul sa Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) sa gitna nang mga nabunyag na umano’y katiwalian sa ahensiya.

Ayon kay Lacson, malaking halaga ang nasasa­yang sa PhilHealth at tiyak na madaragdagan pa sa pagpapatupad ng Universal Health Care Act.

“Kailangan talaga magkaroon ng overhaul. Hindi biro-biro ang halaga ng involved dito. At hindi rin biro-biro lalo ang halaga na papasok pa sa kanila na ima-manage nila,” sabi ni Lacson.

Pinuna rin ni Lacson na ang PhilHealth ang gumagawa ngayon ng draft ng Implementing Rules and Regulations (IRR) para sa UHC at maikukumpara ito sa isang manok na ipinagkatiwala sa isang buwaya.

“Katunayan, even as we speak, ang nagda-draft ng IRR ng UHC Act, PhilHealth din. Para kang nagpunta sa isang (sapa?) na pinagkatiwala ang alaga mong manok sa buwaya,” sabi ni Lacson.

Nauna nang nabunyag ang mga “ghost dialysis” kung saan nakakakuha ng pondo sa ahensiya ang dialysis center kahit hindi naman nagbibigay ng serbisyo.

Sinabi ni Lacson na dapat maging mapagbantay ang lahat lalo na sa mga ospital at opisyal ng PhilHealth na nasangkot na sa anomalya.

Panahon na rin anya para linisin ang PhilHealth at ang mismong sistema para mapakinabangan ng publiko ang pondong ilalaan sa Universal Health Care Act.

PANFILO LACSON PHILHEALTH
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with