Ginawa ng Pangulo ang pahayag kamakalawa sa mensahe nito sa mga sundalo sa 8th Infantry division ng Philippine Army sa Catbalogan, Samar.
Duterte handa uli sa peace talks
Rudy Andal (Pilipino Star Ngayon) - June 21, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Muling nagbukas ng pintuan para sa peace talks si Pangulong Duterte sa communist revolutionary sa kondisyong ibaba at isuko nito ang kanilang mga armas.

Ginawa ng Pangulo ang pahayag kamakalawa sa mensahe nito sa mga sundalo sa 8th Infantry division ng Philippine Army sa Catbalogan, Samar.

“Magsabi sila kung saan sila gustong makiusap, pupuntahan ko sila. At sasabihin ko sa kanila hintuan nila ‘yang kalokohan nila. Wala na eh. Para naman magamit ko ‘yung pera sa ibang bagay --- kabutihan ninyo, para sa Pilipino,” wika ng Pangulo sa Camp Gene­ral Lukban.

“I’m spending for bullets. I’m spending for gun. And who do I kill? The Filipino. Walang kwenta. Ako naaawa rin ako sa inyo. But if you choose the way of life, bahala kayo. Pero ako hindi ako magsabi na --- basta ako sabi ko ako peace lang,” dagdag pa nito.

Magugunita na kinansela noon ni Pangulong Duterte ang peace talks sa Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front dahil patuloy ang ambush at pangongolekta ng revolutionary tax kahit nakaupo sa negotiating table.

“Kung kaya ninyo makipag-usap, wala akong problema. Just drop your weapon, stop fighting and we will talk. And I can give you right away one-third of what you are asking,” dagdag pa ng Pangulo sa mensahe sa mga sundalo.

Binigyan ng Pangulo ng sidearm ang mga sundalo para sa kanilang depensa dahil armalite at M-16 lamang ang isyu sa mga ito.

“Maski one-third ibi­gay ko na sa iyo. Maski ‘yung pera na kakonti-konti para sa ating bayan, paghati-hatian natin ‘yan para gumana naman ang lahat ng buhay ng Pilipino. Pero if you remain to fight, well problema ninyo ‘yan,” giit pa ni Pangulong Duterte.

PHILIPPINE ARMY RODRIGO DUTERTE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with