^

Bansa

Bagong water interruption schedule ng Maynilad inilabas

James Relativo - Philstar.com
Bagong water interruption schedule ng Maynilad inilabas
"We appeal to our customers for their continued patience and understanding, as we try to manage the effects of the reduced allocation on our operations," sabi ng Maynilad sa isang pahayag.
The/Edd Gumban

MANILA, Philippines — Kasunod ng patuloy na pagbaba ng lebel ng tubig sa Angat Dam, naglabas ng listahan ang Maynilad at Manila Water ng kani-kanilang schedule kung kailan meron at walang tubig sa kanilang mga nasasakupan.

Ito'y matapos ianunsyo ng National Water Resources Board na babawasan ang alokasyon para sa mga konsesyunaryo mula 46 cubic meters per second patungong 40 cms upang bigyang-daan ang paghahanda ng "low-level outlet" habang nalalapit na sa critical level na 160 metro ang Angat.

Maaapektuhan nito ang ilang bahagi ng Metro Manila at Cavite.

"We appeal to our customers for their continued patience and understanding, as we try to manage the effects of the reduced allocation on our operations," sabi ng Maynilad sa isang pahayag.

(Umaapela kami sa aming mga customer para sa kanilang patuloy na pasensya at pag-intindi, habang inaasikaso namin ang epekto ng mas mababang alokasyon sa aming operasyon.)

Ngayong araw, nasa 160.73 metro na ang water elevation sa Angat Dam, mas mababa ng isang metro sa critical level na 160 m.

Narito ang oras na walang tubig para sa Maynilad mula ika-20 hanggang ika-21 ng Hunyo:

 

 

Simula ika-18 ng Hunyo, narito naman ang schedule ng Manila Water:

 

 

Panibagong mga kaso ihahain

Samantala, kinastigo naman ng grupong Bayan Muna ang Manila Water ngayong Huwebes dahil sa papalya-palyang serbisyo nito.

"We have received reports that in some baranggays in Mandaluyong, they have not had a single drop of water for six days now," sabi ni Bayan Muna chairperson Neri Colmenares sa isang pahayag.

(Nakakuha kami ng mga ulat sa ilang barangay sa Mandaluyong na anim na araw na silang wala ni isang patak ng tubig.)

Batay sa advisory ng Manila Water, dapat ay may tubig ng alas-singko ng madaling araw hanggang alas-dos ng hapon.

Gayunpaman, noong isang linggo pa raw huling nagkaroon ng tubig sa Barangka Drive at Barangka Ibaba.

"[R]esidents say that their water has not returned since it was cut at 3 p.m. last Thursday," dagdag niya.

(Sabi ng mga residente, hindi pa nagbabalik ang tubig simula pa alas-tres ng hapon noong nakaraang Huwebes.)

Sa Barangay Plainview naman daw sa Mandaluyong, wala pa rin daw tubig mula ala-una ng hapon kahapon at nakatikim lang nito ng dalawang oras bago muling maputulan.

Aniya, imbis na 12 oras lang kada araw na walang tubig ay dire-diretso nang wala nito.

"This is simply horrendous service (Napakapangit na serbisyo nito)," ani Colmenares.

Siniguro naman ni Bayan Muna Rep. Carlos Zarate na muling magsasampa ng reklamo para mabigyan ng diskwento (rebate) ang mga costumer.

"It is very disheartening to know that Manila Water and Maynilad have already collected fees years ago supposedly to ensure water security but look at what is happening now," ani Zarate.

(Sobrang nakakadismaya na ang dami nang nakolektang bayad ng Manila Water at Maynilad ilang taon na ang nakalilipas para masiguro ang suplay ng tubig pero tignan mo kung anong nangyayari.)

Inudyok naman nila ang pamahalaan na talikuran na ang pagsasapribado ng serbisyo sa tubig at mapanagot ang mga may sala.

vuukle comment

ANGAT DAM

MANILA WATER

MAYNILAD

WATER INTERRUPTION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with