^

Bansa

2 Pinoy nabundol ng tren sa New Zealand, patay

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
2 Pinoy nabundol ng tren  sa New Zealand, patay
Sa ulat na nakara­ting sa Department of Foreign Affairs (DFA), hindi muna pinangalanan ang dalawang Pinoy habang naisugod naman sa pagamutan ang tatlo nilang kasamahan.

MANILA, Philippines — Dalawang Pilipino ang nasawi habang tatlo pa ang nasa kritikal na kalagayan makaraang mabundol ang sinasak­yan nilang kotse ng isang rumaragasang tren sa Pongakawa, New Zealand kahapon ng umaga.

Sa ulat na nakara­ting sa Department of Foreign Affairs (DFA), hindi muna pinangalanan ang dalawang Pinoy habang naisugod naman sa pagamutan ang tatlo nilang kasamahan.

Sinabi ni Jesus Domingo, Philippine ambassador sa New Zealand, alas-8:15 ng umaga nang maganap ang insidente sa Pongakawa, North Island. Patawid sa railroad crossing ang sasakyan ng mga biktima at tila hindi umano napansin ng tsuper nito ang paparating na tren nang mabundol sila.

Nabatid na papasok umano sa trabaho ang mga biktima bilang tagapitas ng prutas nang sumapit ang aksidente.

Ngunit palaisipan kay Domingo kung paanong nakapasok sa railroad crossing ang kotse ng mga biktima gayong may harang naman ito na bumababa kapag may paparating na tren.

vuukle comment

DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS

RAILROAD ACCIDENT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with