Kasong kriminal vs Kapa isinampa sa DOJ
MANILA, Philippines — Pormal nang nagsampa ng kaso sa Department of Justice (DoJ) ang Securities and Exchange Commission (SEC) laban sa mga opisyal ng Kapa-Community Ministry International, Inc. (KAPA).
Nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 8799 o Securities Regulation Code (SRC) sina KAPA founder at president Joel A. Apolinario, trustee Margie A. Danao, corporate secretary Reyna L. Apolinario, Marisol M. Diaz, Adelfa Fernandico, Moises Mopia, Catherine Evangelista at Rene Catubigan.
Ayon sa SEC, marami pa silang sasampahan ng kaso dahil kasalukuyan pa nilang kinikilala ang ilan pang personalidad na sangkot sa naturang scheme.
Lumalabas daw sa imbestigasyon ng SEC na hinihimok ng KAPA ang publiko na mag-donate ng P10,000 kapalit ng 30 percent monthly “blessing” o “love gift” for life.
Pinapangakuan daw ang mga magdo-donate na mag-invest kahit hindi na sila magtrabaho at maghintay na lamang sa kanilang payout.
Itinanggi na ng mga miyembro at opisyal ng Kapa Ministry ang alegasyon.
Una nang ipinawalang-bisa ng SEC ang certificate of registration ng Kapa at ma-secure ang higit sa P100-milyong mga asset nito sa pamamagitan ng asset freeze order na ipinalabas naman ng Court of Appeals (CA).
- Latest