^

Bansa

Undocumented migrants sa New York papayagan nang magka-lisensya

Philstar.com
Undocumented migrants sa New York papayagan nang magka-lisensya
Sa ilalim ng "Green Light Bill," pwede nang magkaroon ng lisensya ang sinuman basta pumasa ng test, kahit na hindi pa US citizen.
File

MANILA, Philippines — Lumusot sa New York state nitong Lunes ang batas na magbibigay ng karapatan para sa mga "undocumented migrants" na makakuha ng lisensya sa pagmamaneho.

Sa ilalim ng "Green Light Bill," pwede nang magkaroon ng lisensya ang sinuman basta pumasa ng test, kahit na hindi pa US citizen.

"This legislation will not only provide undocumented immigrants with a legal solution to obtain a driver's license, but its positive impacts will include significant economic growth, improved road safety, and it will keep hardworking families together," sabi ni Sen. Luis Sepulveda, na nagtaguyod ng panukala.

('Di lang nito mabibigyan ng ligal na lisyensya ang mga 'di dokumentadong migrante, mapalalago rin nito ang ekonomiya, mas ligtas na mga kalsada at 'di na kailangang maghiwalay ng mga pamilya.)

Ipinatupad ng balwarte ng Democratic party sa Estados Unidos sa gitna ng paghihigpit ni US President Donald Trump sa pagpapapasok ng mga ligal at iligal na migrante.

Hindi na kinakailangang pagpakita ng US Social Security numer o visa ng mga kandidato, at hihingian na lang ng passport o foreign driver's license bilang ID.

"In a time when immigrants are being scapegoated for every ill in our country, this is our opportunity for New York State to show our courage and strength, and stand up for the marginalized communities," dagdag ni Sepulveda.

(Sa panahong isinisisi ang lahat ng masamang nangyayari sa bansa sa mga migrante, pagkakataon ito upang maipakita ng New York state ang ating tapang at lakas, at tumindig para sa mga marginalized na komunidad.)

Ikinatuwa naman ito ng ilang migrants' rights associations, lalo na't ipagbabawal ng batas na ibigay sa immigration auuthorities ang datos ng kandidato.

Pag-alma ng mga Republican

Mainit na pinagdebatihan ang panukala, at naipasa sa parehong Kamara at state Senate, na kontrolado ng mga Democrats simula pa noong Enero.

Pero sabi ni Republican Sen. Jim Tedisco, tila pag-iitsapwera na ito sa citizenship at rule of law.

"If we don't adhere to a legal system for becoming a citizen, NYS (New York state) will become a magnet for those here illegally," sabi niya sa Twitter.

(Kung hindi tayo susunod sa ligal na sistema ng pagiging mamamayan, aakit ang NYS ng maraming iligal.)

Nitong Lunes, sinabi ni Trump na sisimulan na nilang magpaalis ng "milyun-milyong" illegal immigrants sa susunod na linggo.

Sa isang ulat, sinasabig aabot sa 400,000 illegal immigrants ang maaaring mabigyan ng permit.

New York na ang ika-13 state sa Amerika na pumapayag magbigay ng lisensya sa mga nabanggit. — James Relativo at may mga ulat mula sa Agence France-Presse

vuukle comment

DRIVER'S LICENSE

NEW YORK

UNDOCUMENTED MIGRANTS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with