^

Bansa

Danyos dapat ibigay sa mga Reed Bank fishermen, sabi ng mambabatas

James Relativo - Philstar.com
Danyos dapat ibigay sa mga Reed Bank fishermen, sabi ng mambabatas
Ayon sa Anakpawis, aabot ng P2 milyon ang nasirang bangka ng mga mangingisda habang nasa kalahating milyon naman daw ang halaga ng kanilang 3-metrong toneladang huli nang mangyari ang insidente.
The STAR/Walter Bollozos

MANILA, Philippines — Nanawagan ang isang grupo na mabigyan ng "automatic reparation" at subsidyo ng gobyerno ang 22 mangingisdang sakay ng F/B GEM VIR1 na napalubog ng mga Tsinong mangingisda sa Recto Bank.

Ayon sa Anakpawis, aabot ng P2 milyon ang nasirang bangka ng mga mangingisda habang nasa kalahating milyon naman daw ang halaga ng kanilang 3-metrong toneladang huli nang mangyari ang insidente.

"We support the call for reparation for the victims, and we demand that it be made automatic, as Filipino fishermen in the West Philippine Sea, are actually doing the country the priceless sense of service and sacrifice," sabi ni Anakpawis Rep. Ariel Casilao Martes.

(Sinusuportahan namin ang pagbibigay bayad-pinsala sa mga biktima, at dapat maging awtomatiko ito, dahil hindi matutumbasan ang sebisyo'y saksipisyo ng mga Pilipinong mangingisda sa West Philippine Sea.)

Aniya, nagsisilbing watawat ng Pilipinas ang mga mangingisda doon at tanda ng paggigiit sa claims sa lugar.

Sabi ni Casilao, nakapaglalayag sa malalayo at matataas na tubig ang mga Chinese fishing vessels dahil sa mga subsidyo ng kanilang pamahalaan.

Umabot ito ng $4.2 bilyon noong 2014, kung saan ginamit sa fuel ang 90% nito.

"While China supports its fishing fleet, our country abandons them, such as the regime’s latest downplaying on the attempted mass killing of 22 Filipino fishermen," dagdag niya.

(Habang sinusuportahan ng Tsina ang kanilang fishing fleet, pinababayaan sila ng Pilipinas, tulad na lang ng pagmamaliit ng rehimen sa pagtatangkang patayin ang 22 Pilipinong mangingisda.)

Nananatiling maingat ang Pangulong Rodrigo Duterte sa paglalabas ng maanghang na pahayag sa isyu.

Kahapon, sinabi niyang hindi na dapat paigtingin ang tensyon sa lugar sa pamamagitan ng pagpapapunta ng Navy doon.

Tinuligsa naman ito ng mga militante.

"The navy, coast guard, marines are missing-in-action, the defense secretary is a flip-flop, the president, his cabinet are Chinese lackey bureaucrats, the Filipino people is left with the fisherfolk at the frontline of asserting national sovereignty over West Philippine Sea. They deserve all the support they could get to oppose Chinese seizure of our territories," panapos ng Anakpawis.

(Hindi makita ang hukbong dagat, coast guard at marines, pabago-bago ang defense secretary, tuta ng Tsina ang presidente at gabinete, naiiwan ang mga Pinoy habang nasa bungad ng pagggigiit ng soberanya ang mga mangingisda sa West Philippine Sea. Kailangan nila ang buong suporta para hindi maagaw ang mga teritoryo.)

'Aksidente lang'

Nanindigan naman ang Chinese foreign ministry na hindi sadya ang nangyaring insidente sa Reed Bank nitong ika-9 ng Hunyo.

"I'd like to stress that this is only an accidental collission between fishing boats at sea," sabi ni Chinese foreign ministry spokesperson Lu Kang ngayong araw.

(Gusto naming idiin na aksidente ang banggan sa pagitan ng dalawang bangka sa karagatan.)

Sana rin daw ay huwag din daw itong gamitin upang magkalamat ang relasyon sa pagitan ng Beijing at Maynila.

"It is irresponsible and counter-constructive to link this incident with China-Philippines friendship or even make political interpretations out of it," dagdag niya.

(Iresponsable na na iugnay ito sa pagkakaibigan ng Tsina at Pilipinas o mag-isip ng masama mula rito.)

Nangako naman si Lu na paiigtingin daw nila ang pag-uusap ng dalawang bansa at iimbestigahan ang nangyari.

Sa kabila nito, matatandaang sinabi ni Chinese foreign ministry spokesman Geng Shuang nitong Huwebes na "ordinaryong" insidente lang daw ang nangyari sa dagat.

Kanina, inilinaw naman ni presidential spokesperson Salvador Panelo na maaaring makasuhan ang mga Tsinong magsasaka bunsod ng insidente.

Gayunpaman, may karapatan pa rin naman daw marinig ang kanilang panig, ayon sa tagapagsalita.

Due process sa mga Tsino

Samantala, ikinalugod naman ng grupong Sanlakas ang ibinibigay na "patas" na pagdinig sa mga inaakusahang Asyano.

"If only he offered the same guarantee of due process to the tens of thousands of Filipinos killed in his bloody war on drugs, Duterte without doubt would have the moral ascendancy to command prudence. Unfortunately, he does not," sabi ng grupo sa isang pahayag.

(Kung binigyan lang niya ng parehong proseso ang libu-libong Pilipinong napatay ng madugong gera kontra-droga, may karapatan sana si Duterte na humihingi ng hinahon. Kaso, hindi eh.)

Nanawagan naman ang grupo ng independiyenteng imbestigasyon sa isyu sa pamamagitan ng isang third party.

"We call on our kababayans to rise above chauvinism, a real challenge nowadays, but nonetheless a political imperative to ferret out the truth and frustrate attempts to militarize the West Philippine Sea."

(Tinatawagan namin ang ating mga kababayan na tumindig laban sa sobinismo, na malaking hamon sa ngayon, ngunit kaibigan ito upang mailantad ang katotohanan at mapigilan ang mga pagtatangkang imilitarisa ang West Philippine Sea.)

vuukle comment

ANAKPAWIS PARTY-LIST

CHINA

RECTO BANK

REPARATIONS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with