^

Bansa

Seguerra, sumagot sa patutsada ni Cardema na siya’y 'dilawan'

Philstar.com
Seguerra, sumagot sa patutsada ni Cardema na siya�y 'dilawan'
“Hindi ako ang umubos ng oras sa NYC para sumipsip at gawing ninong at ninang ang lahat ng pwedeng makapitan para sigurado sa pwesto,” ani niya.
File

MANILA, Philippines — Sinagot ni Ice Seguerra ang patutsada ang kapwa dating National Youth Commission chairperson na si Ronald Cardema na sila'y “dilawan” at nagsisilbing koneksyon ng mga radikal na youth leaders sa gobyerno.

Hinaharang kasi ngayon nina Seguerra, sampu ng iba pang dating opisyal ng komisyon gaya nina dating NYC chair Gio Tingson, Leon Flores III at dating commissioners na sina Percival Cendana, JP Peñol, Erwin Andaya at Dingdong Dantes ang pag-upo ni Cardema bilang kinatawan ng Duterte Youth party-list.

Natawa na lang si Seguerra at inilinaw na hindi siya nagtrabaho sa NYC para sa mga personal na agenda gaya ni Cardema.

“Hindi ako ang umubos ng oras sa NYC para sumipsip at gawing ninong at ninang ang lahat ng pwedeng makapitan para sigurado sa pwesto,” ani niya.

Pinararatangan ngayon si Cardema na ginamit ang posisyon sa NYC para ikampanya ang kanyang grupo noong eleksyon.

Humalili si Cardema sa kanyang misis para maging first nominee ng nasabing grupo, na nakakuha ng isang seat sa Kamara sa 2019 midterm elections. 

“Ito lang masasabi ko, you have to be accountable for what you did to the NYC to achieve your political plans at wag kang gumamit nang strategy na pailalim para lang manalo,” pagtatapos ni Seguerra.

(Ito lang masasabi ko, kailangan kang managot para sa ginawa mo sa NYC para magawa yung mga plano mo sa politika at ‘wag kang gumamit ng stratehiya na pailalim para lang manalo.)

'Hindi nakikinig sa NYC meetings'

Dagdag pa ni Seguerra, maraming beses niyang sinabihan si Cardema sa mga nakaraan nilang pulong, kung saan madalas hindi raw nakikinig ang huli, kung alam niya ba ang sitwasyon ng mga kabataan sa kanyang lugar noong siya ay komisyonado pa ng Luzon.

Kinwestyon din ni Seguerra kung sinusubukan nga ba ni Cardema na alamin ang totoong problema ng mga kabataan, at idinagdag na hindi lang ang pagsali sa New People's Army ang problema nila.

“Kung 'yan lang ang gusto mong ayusin, lumipat ka ng ahensiya,” tuloy ng artista.

Inilabas ni Cardema ang mga patama matapos kontrahin ng mga dating opisyal ng NYC ang kanyang petisyon na maging representante ng Duterte Youth sa House of Representatives.

Aniya, “Pano magiging pag-asa ng bayan ang youth kung di niyo naman sila iga-guide sa paghahanda, sa nasyonalismo, at sa pagpapalakas ng bansang ito. Kala niyo ang gagaling niyo?”

Pinarating ni Cardema na walang kayang lumaban sa mga nanghihiyakat sa mga kabataan na sumali sa komunistang Communist Party of the Philippines-New People's Army-National Democratic Front sa mga nauna sa kanya sa NYC.

Ayon sa kanya, masyado raw napako ang mga nabanggit sa mga Gender Sensitivity Training imbis na sundan ang ginawa ng mga konseho sa ibang bansa gaya ng Singapore, South Korea, China at Japan. 

Naglabas na ng gag order ang Commission on Elections kay Cardema at mga petitioners na huwag na munang magbigay ng mga panayam patungkol sa pagbasura ng substitution dahil ito'y sub judice na. — Philstar.com intern Gab Alicaya

vuukle comment

DUTERTE YOUTH PARTY-LIST

ICE SEGUERRA

NATIONAL YOUTH COMMISSION

RONALD CARDEMA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with