^

Bansa

‘Last Mile Schools’ isinusulong ni Salceda

Pilipino Star Ngayon
�Last Mile Schools� isinusulong ni Salceda
Ayon kay Salceda, hindi dapat malagay sa alanganin ang buhay ng mga batang mag-aaral na kailangang lumakad at maglakbay ng napakalayong distansiyang walang matinong kalsada at tumawid sa bahang ilog para makapasok lang sa paaralan.

MANILA, Philippines — Nakahain na ngayon sa Kamara ang panukalang batas ni Albay Rep. Joey Sarte Salceda na naglalayong magkaroon ng mahusay na daan patungo sa mga ‘Last Mile Schools’ para sa mga mag-aaral sa buong bansa. 

Layunin ng HB 9159 na dapat abot-kamay ang edukasyon lalo na sa liblib at mahihirap na pamayanan. 

Ayon kay Salceda, hindi dapat malagay sa alanganin ang buhay ng mga batang mag-aaral na kailangang lumakad at maglakbay ng napakalayong distansiyang walang matinong kalsada at tumawid sa bahang ilog para makapasok lang sa paaralan.

Tinaguriang ‘Last Mile Schools’ ang mga paaralan sa mga liblib na mga pamayanan na madalas ay may tatlo o apat na silid aralan lamang, walang kuryente, kulang pa sa 100 ang mga mag-aaral at kalahati o higit pa ay mga kabataang katutubo, maliliit kaysa karaniwan ang mga silid aralan na nakaligtaang isaayos sa nakalipas na apat na taon.

vuukle comment

JOEY SARTE SALCEDA

LAST MILE SCHOOLS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with