Habang isinusulat ito, takdang magmartsa mula sa isang parke sa main island papunta sa parliament ng lunsod ang mga protester na pag-uulit sa isang malakihang rali noong nakaraang linggo na ayon sa mga organisador ay dinaluhan ng mahigit isang milyong mamamayan.
Pinoys sa HK pinalalayo sa mga rally
(Pilipino Star Ngayon) - June 17, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Pinaiiwas ang mga Pilipino sa pagtungo sa central at business districts sa Hong Kong na pinagdarausan ng mga kilos-protesta laban sa extradition law doon dahil maaari umanong maging marahas ang mga demonstrasyong ito.  

Habang isinusulat ito, takdang magmartsa mula sa isang parke sa main island papunta sa parliament ng lunsod ang mga protester na pag-uulit sa isang malakihang rali noong nakaraang linggo na ayon sa mga organisador ay dinaluhan ng mahigit isang milyong mamamayan.

“Sa atin pong mga kababayan, pinag-iingat lang po natin na ‘wag munang makisali sa mga protesta kung sila naman ay walang saloobin dito sapagkat maaari pong maging marahas, bayolente ang mga protesta, katulad po ng nakita natin noong nakaraang Miyerkules,” sabi ni Consul General Antonio Morales.

Ang Hong Kong ay niyanig ng malaking kilos-protesta noong Miyerkules. Daan-daang libong demonstrador ang binuwag ng riot police na nagpaputok ng tear gas at rubber bullet.

Ito ang pinakamatin­ding karahasang pulitikal sa international finance hub na ito mula nang isailalim ito sa control ng China noong 1997.

HONG KONG PROTEST
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with