Nauna nang kinumpirma ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na magkakaroon ng Cabinet meeting kasama si Pangulong Duterte sa Lunes.
Joven Cagande
Digong kinansela ang Cabinet meeting sa China ‘hit and run’
Rudy Andal (Pilipino Star Ngayon) - June 17, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Kinansela ni Pangu­long Duterte ang nakatakda sanang special Cabinet meeting nga­yong araw ukol sa kontrobersiyal na “hit and run” incident sa pagitan ng mga Pinoy at Chinese vessel sa Recto Bank ng West Philippine Sea.

Nauna nang kinumpirma ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na magkakaroon ng Cabinet meeting kasama si Pangulong Duterte sa Lunes.

Pero sa huling pahayag ni Executive Secretary Salvador Medialdea, ay hindi na ito matutuloy.

Agad namang nilinaw ng Malacañang na hindi special cabinet meeting ang ipinatawag ng Pangulo kundi cluster meeting ng security at economic managers.

Wika ni Secretary to the Cabinet Karlo Nograles, ang security, justice at peace cluster sa ilalim ni Sec. Lorenzana at economic cluster sa pamumuno ni Finance Sec. Carlos Dominguez lll ang magpupulong at hindi kasama ang Pa­ngulo.

Sabi pa ni Nograles, posibleng kasama sa tatalakayin ang nangyari sa mga mangingisda sa Recto bank upang magkaroon ng kalinawan dito.

Maaalalang noong nakaraang Linggo ay nalagay sa peligro ang buhay ng nasa 22 ma­ngingisdang Pinoy matapos silang bundulin ng isang Chinese vessel habang nakaangkla ang kanilang bangka sa karagatan.

Nabatid na naghain na ng diplomatic protest si Foreign Affairs Sec. Locsin laban sa China bunsod ng insidente.

RECTO BANK RODRIGO DUTERTE WEST PHILIPPINE SEA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with