Ayon kay Cusi, chairman ng Cabinet Officer for Regional Development and Security (CORDS) para sa MIMAROPA, ito ang kanilang konklusyon nang madiskubre na ang tama ng bangka ng mga Pinoy na nakadaong sa Occidental Mindoro ay sa tagiliran.
Pagbangga ng Chinese boat ‘di sinadya - Cusi
Danilo Garcia (Pilipino Star Ngayon) - June 17, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Mistulang inabswelto ni Energy Secretary Alfonso Cusi ang Chinese boat na nagpalubog sa bangkang-pangisda ng mga Pilipino matapos sabihing hindi sinadya ang pagbangga.

Ayon kay Cusi, chairman ng Cabinet Officer for Regional Development and Security (CORDS) para sa MIMAROPA, ito ang kanilang konklusyon nang madiskubre na ang tama ng bangka ng mga Pinoy na nakadaong sa Occidental Mindoro ay sa tagiliran.

Iginiit ni Cusi na kung sinadya ito, magkakaroon umano ng mas malaking pinsala sa naturang bangka.

Ininspeksyon ng opisyal ang naturang bangka nitong Linggo ng umaga upang mabatid ang sitwasyon ng mga mangingisda na sakay ng bangka at malaman ang eksaktong pangyayari. 

Aalamin rin umano niya kung ano ang maitutulong ng pamahalaan sa mga apektadong mangingisda.

Hindi naman masagot ni Cusi ang tanong kung bakit iniwan ng mga Chinese crew ang mga ma­ngingisdang Pinoy. Ang pulisya at ibang sangay ng pamahalaan na umano ang bahalang sumagot.

Naganap ang banggaan noong Hunyo 9 ng gabi nang bundulin ng Chinese vessel Yuemaobinyu 42212 ang F/B Gem-Ver fishing vessel. Nasa 22 mangingisdang Pinoy ang nagpalutang-lutang sa dagat na nasagip ng naparaan na Vietnamese vessel.

ALFONSO CUSI
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with