Sa pahayag ng PAG­ASA, ang mga pag-ulan ay magpapatuloy at mararanasan sa bansa partikular na sa Luzon at Western Visayas kung saan ang mararanasang ‘monsoon breaks’ o malalakas na pagbuhos ng ulan ay tatagal ng ilang araw o linggo.
Edd Gumban
PNP naghahanda na sa disaster response
Joy Cantos (Pilipino Star Ngayon) - June 16, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Naghahanda na ang Philippine National Police (PNP) sa disaster response matapos na ideklara ng PAGASA na nagsimula na ang panahon ng tag-ulan kung saan mararanasan ang mga kalat-kalat at mala­lakas na pagbuhos nito sanhi ng southwest monsoon.

Sa pahayag ng PAG­ASA, ang mga pag-ulan ay magpapatuloy at mararanasan sa bansa partikular na sa Luzon at Western Visayas kung saan ang mararanasang ‘monsoon breaks’ o malalakas na pagbuhos ng ulan ay  tatagal ng ilang araw o linggo.

Ayon sa PAGASA, ang kundisyon ng pag-ulan sa Hulyo ay inaasahang magiging “above normal” sa malaking bahagi ng Luzon at Visayas samantalang ang sa Mindanao at Southern Visayas ay “generally below normal”.

“With the upcoming rainy season, nagpre-prepare na tayo ng disaster response,” ani PNP Chief, Gen. Oscar Albayalde.

“Meron tayong additional. Mga rubber boats, yung iba most of our equipment nanggaling sa local government units. Priniprepare natin is yung training our personnel on search and rescue,” sabi pa ng PNP chief. (Angie dela Cruz)

PHILIPPINE NATIONAL POLICE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with